top of page
Search
  • BULGAR

Tulad ng ginawa sa kanya… ‘NAY LOLIT, WISH NA PATAWARIN NI BEA SINA OGIE AT CRISTY

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 4, 2024



File photo
File photo: Lolit Solis, Bea Alonzo, Ogie Diaz, Cristy Fermin


Inamin ni Lolit Solis na ikinagulat niya ang pagsasampa ng kaso ni Bea Alonzo laban sa mga kasamahan niya sa industriya na sina Cristy Fermin and Ogie Diaz.


Matatandaan nga kasing may panahong nagalit si ‘Nay Lolit kay Bea at parati niya itong ‘nabibira’ sa kanyang mga Instagram post, na dumating din sa puntong binantaan siya ng kampo ng aktres na idedemanda.


Sey ni ‘Nay Lolit sa kanyang Instagram post kahapon, “Salve, nagulat ako sa ginawa ni Bea Alonzo na pagsampa ng libel case sa mga kasamahan nating writers, kasi nga guilty din ako sa mga nauna kong sinulat noon, na mga kagagahan tungkol kay Bea.”


That’s why, thankful daw siya na pinatawad naman na siya ni Bea.


“Pero in fairness, thankful ako na hindi napikon si Bea Alonzo. Kung minsan kasi, may mga pagkakataon na iba ang mood mo ‘pag merong mga ganitong pangyayari.


“In fact, napikon pa ako sa binitawang salita nuon ni Shirley Kuan na ‘I will consult my lawyer.’


“Very thankful ako na naging very sweet at forgiving si Bea Alonzo, nang magkita kami sa isang presscon. Kaya nga ang masasabi ko, tiyempo lang kung minsan. May mga mood din kasi ang bawat tao, at kung minsan ‘pag natiyempo ka sa pangit na mood, ‘yun na,” sey ni ‘Nay Lolit.


Walang gustong kampihan si ‘Nay Lolit sa magkabilang kampo dahil aniya ay pare-pareho lang na may ipinaglalaban ang mga ito.


“Parehong may ipinaglalaban ang dalawang kampo. Pareho tiyak na desidido sila na ipakita kung sino ang tama. At parehas din silang tiyak na naka-focus sa resulta ng kanilang aksiyon. 


“Tulad siguro ni Vhong Navarro na talagang 10 taon ang hinintay para sa kaso na isinampa laban kina Deniece Cornejo at Cedrick Lee, handa ring maghintay nang matagal sina Bea Alonzo para sa mga kinasuhan niyang writers.” aniya. 


Gayunpaman, hangad niyang maging maayos ang lahat sa pagitan nina Bea, Ogie and ‘Nay Cristy.


“Ipinaglalaban ng bawat panig ang kanilang karapatan, ang kanilang paniniwala na tama ang kanilang ginawa. Dasal ng lahat na kung maayos, sana maayos pa.


“Idasal natin na sana, maging maayos ang lahat. Marami nang problema sa paligid at sana mas magaan na ang mga magaganap. We wish the best for both parties, maayos sana ang maging takbo ng kanilang mga aksiyon,” pagtatapos ni ‘Nay Lolit.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page