Search
  • BULGAR

Tulad daw ng ginawa niya sa ex-GF… DEREK, GUSTONG IPAGTANGGOL NI ANDREA SA HIWALAYAN NILA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 15, 2021




No offense meant kay Derek Ramsay, pero hindi kami agree sa sinabi niya sa isang interview na pinuna ang pananahimik ng ex-GF niyang si Andrea Torres matapos maglabasan ang mga personalities na nadadawit sa kanilang paghihiwalay, tulad na lang ni Pops Fernandez na siyang itinuturong dahilan ng breakup nila ni Andrea.


Sana naman daw, nagsalita ang ex-GF at nilinaw sa lahat na hindi si Pops ang dahilan kaya sila nag-break, tulad daw ng ginagawa niyang pagtatanggol kay Andrea kapag may mga paninirang lumalabas na lihis sa katotohanan.


Well, bilang babae, naiintindihan namin ang pananahimik ngayon ni Andrea. Sobra siyang nasaktan sa paghihiwalay nila ni Derek kaya natural lang na 'wag na siyang kumibo kahit may mga isyu pang naglalabasan matapos nilang maghiwalay ng dating nobyo.


Isa 'yun sa process upang unti-unti na siyang maka-move on at bumalik sa normal ang kanyang buhay.


At bakit naman si Andrea ang kailangang magpaliwanag at magtanggol kay Pops Fernandez kung hindi nga totoo na may relasyon sila ni Derek Ramsay? Bakit kailangan pang ma-involve si Andrea sa mga taong connected sa buhay ng kanyang ex-BF?


Paano magkakaroon ng ganap na katahimikan ng loob si Andrea at tuluyang makakalimot sa nakaraan nila ni Derek?


Sana, nalinawan ito ng Kapuso hunk actor.


Ayon pa rin kay Derek, sobra siyang napagod sa banat ng mga bashers nang maghiwalay sila ni Andrea. Siya ang binagsakan ng sisi ng mga netizens sa nangyari. Naging kontrabida siya sa mata ng publiko. Inakusahan siyang chickboy at hindi seryoso sa pag-ibig.


Pinaaasa lang daw niya ang mga babaeng nakakarelasyon at hindi naman balak pakasalan.


Negatibung-negatibo ang nagmarkang imahe ni Derek pagkatapos ng breakup nila ni Andrea Torres. At 'yun ang balak baguhin ng Kapuso actor ngayong 2021.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.