top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Tugatog, naka-2 sunod na panalo

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 29, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo |November 29, 2022


Nakadalawang sunod na panalo si Tugatog matapos nitong manguna sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, Linggo ng hapon.


Sinakyan ni veteran jockey Jeffrey Bacaycay, inirehistro ni Tugatog ang impresibong tiyempo na 1:25.8 minuto sa 1,400 meter race upang hamigin ng winning horse owner na si LB Tanala ang P150,000 premyo.


Segundong dumating sa meta si Dambana na sumikwat ng P50,000 habang pangatlo at pumang-apat sina Off Shoulder at Chocolate Thunder na nakapag-uwi ng tig-P25,000 at P12,500 ayon sa pagkakasunod.


Sumungkit din ang trainer ng winning horse ng P12,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Noong Linggo lang ay nagpakitang-gilas si Tugatog nang manalo sa MARHO-Diamond Hotel Philippines Trophy Race na ginanap sa parehong lugar.


Tinalo rin ni Tugatog noon si Dambana kabilang ang tigasing si Money For Shelltex.


"Gumagaling si Tugatog, kayang-kaya niya mga kalaban niya kaya sana isali na rin siya sa malalaking karera sa Disyembre," saad ni Jojie Ledesma, veteran karerista.


Samantala, masaya ang mga karerista sa pangangarera nila noong Linggo dahil maraming mga kabayo ang sumali at ayon sa komento ng iba na sana mas maging maganda ang pakarera nila sa Disyembre.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page