top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

TUESDAY, BINANATAN ANG 2 BATANG ARTISTA NA PA-VIP SA EVENT, DINEDMA PA SIYA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 5, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | December 5, 2022



Ilang beses na naming naririnig na maraming kabataang artista o ‘yung mga nabibilang sa Gen Z at may ilang kabilang din sa millennial ang madalas ireklamo ng mga artistang mas nauna sa kanila sa movie industry dahil mga feeling privileged.


Ang mga artistang ito na sinuwerteng makilala agad at nag-hit ang mga nagawang pelikula ay lumaki na ang mga ulo na akala mo, forever na sila sa kanilang stature.


Isa na ang comedienne-host na si Tuesday Vargas sa mga naglabas ng kanyang saloobin sa kanyang Facebook account tungkol sa experience niya sa mga batang artista na nakasama niya sa isang event na hindi binanggit kung ano.


Post ni Tuesday, “Mga batang artista, kahit gaano kayo kasikat at pinagkakaguluhan ng mga tao, mag-hello kayo sa kapwa n’yo artista pagdating sa work, lalo na sa nakakatanda.


“Sumingit na nga kayo sa program kasi nagagalit na ang handler n’yo at bawal ‘ata kayong pinaghihintay, tapos ako pa ang nagbigay-galang sa inyo, dinedma n’yo pa ako.


“Tandaan, madaling maabot ang fame. Longevity is harder. Pakabait, ok? Huwag ganu’n.”


Sa mga pahayag na ito ni Tuesday ay bigla naming naalala ang ilang artista na ilang dekada na sa industriya pero nananatiling sikat at iginagalang pa rin kahit kaliwa’t kanan ang mga isyu sa kanila.


Nabasa ito ng direktor na si Louie Ignacio at sinang-ayunan niya ang sinabing ito ni Tuesday.


Aniya, “Jusko madaling malalaos ‘yang mga batang ‘yan sa ugali nila. Feeling-sikat agad, ha, nakakaloka!!!!”


Sagot ng komedyanang host, “Hayyy, direk. Sabi ko, ‘Hi_____! Tuesday.’ Tapos, abot ng kamay ko. Hindi ako pinansin, tapos si handler, hinarangan ako, ‘kala magpapa-picture ako. ‘Kaloka.”


At ang dahilan daw ng pagmamadali ng mga batang artista, “Ayun! Kaya pala nagmamadali ang dalawa at sumingit sa program kasi um-attend pa sila ng isang event pa ng sponsor nila. Paid gig ito, mga anak. Sana ‘di n’yo kinuha kung mag-a-attitude lang at magmamadali.”


Kaya ang payo ni Tuesday sa dalawang artistang ito, “Mahalin ang trabaho. Para mas madami pa kayong proyekto. Nakita ko pa talaga sa feed ko, eh. Nahuli ko tuloy.”


At sa huli ay napagtanto ni Tuesday, “Decided to delete my posts and will just leave this here instead because I am beautiful. Ganoin. Beautiful things don’t ask for attention.”


Next time, huwag tumanggap ng double booking para hindi nakakaabala sa iba at nagko-cause ng gulo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page