Tsinugi bilang co-host… MILES, NAGMAMAKAAWA NA IBALIK SA EAT BULAGA!
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 19, 2022

Napatalsik si Miles Ocampo sa Eat… Bulaga!. Pero humihirit ang former Kapamilya actress na ibalik siya sa longest-running noontime show ng Dabarkads.
May segment ang EB! na Bida Ex at 'yun ay spin-off sa segment na Bida Next para sa paghahanap ng magiging bagong host ng programa.
Last Saturday ay naglaban-laban ang mga EB! Dabarkads sa Bida Ex sa pagalingan ng kanilang performance. Sina Allan K., Maja Salvador at Miles ang natirang matibay hanggang sa napiling matanggal si Miles.
Kapapasok lang ni Miles as EB! lady co-host noong nakaraang Marso.
Last Monday ay nag-video call si Miles kay Maja at umaapela na "Sana, bigyan n'yo 'ko ng chance na makabalik."
Ipinakita ni Maja na ka-video call niya si Miles na mangiyak-iyak pa habang kausap ng iba pang dabarkads.
Sey ng girlfriend ni Elijah Canlas, nasanay na raw siya na ganoong oras ay nasa studio na ng Eat…
Bulaga! kaya naninibago raw siya na tanghali na ay nasa kuwarto pa rin siya dahil nga na-Bida Ex siya nu'ng Sabado.
"Naging routine ko na, na ganitong oras, nandiyan na rin ako," saad ni Miles sa video call.
"Baka may chance pa, mapagmahal naman ako, 'di ba? Sana, bigyan n'yo 'ko ng chance na makabalik."
Ang tanong, pabalikin pa kaya si Miles sa EB!? 'Yan ang aabangan ng avid viewers ng Dabarkads.





Comments