top of page

Trying hard noon kay James, nauntog na… NADINE, HAPING-HAPI SA BAGONG BF NA SI CHRISTOPHE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 18, 2022
  • 1 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 18, 2022





Isa sa mga naging kritiko ng singer-actress na si Nadine Lustre ay ang matapang na columnist-radio anchor na si Nanay Cristy Fermin.


Hindi pa katagalan noong mabatikos-punahin ni 'Nay Cristy si Nadine dahil sa pananamit nito nang bumili ng sarsa ng lechon sa isang sari-sari store sa isla ng Siargao.


Pero ngayong inilantad na ni Nadine ang pagkakakilanlan sa kanyang boyfriend na nagngangalang Christophe (walang R) sa kanyang IG official account, happy daw si 'Nay Cristy para sa aktres.


“Masaya ako para kay Nadine. Unang-una, she deserves to be happy,” saad ni 'Nay Cristy sa programa niyang Cristy Per Minute.


Nakikisimpatya kasi ang batikang showbiz anchor sa nakaraang chika kay Nadine kagaya ng pang-iiwan diumano sa kanya ng dating karelasyon na si James Reid.


Ramdam ang pain ng aktres noong basta na lang siya iniwan sa ere ni James.


Kesa nga naman sa umasa sa wala, sinabi naman ni 'Nay Cristy na nagmumukhang “trying hard” noon si Nadine para lang mapangalagaan ang kanilang relasyon ni James.


Kaya naman hindi napigilan ni 'Nay Cristy na maging masaya para kay Nadine sa pagkakataong mahanap ang taong magpapaligaya sa kanya.


“It’s about time na lumigaya na si Nadine Lustre dahil mapagmahal din siya at marunong mag-alaga ng karelasyon,” saad pa ng kolumnista.


Tila nag-iba ang ihip ng hangin ngayon dahil kamakailan lang ay may mga binitawang pahayag si 'Nay Cristy tungkol kay Nadine na ikinasama ng loob ng ilang fans.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page