top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Tropang Giga at Dyip buwenamanong panalo

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 2, 2021
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | September 02, 2021



Tila namasko sa unang araw ng Setyembre ang TNT Tropang Giga ng ibulsa nila ang 96-76 na panalo laban sa Blackwater Bossing upang mapanatiling walang talo sa 4-0 at mapanatiling nasa tuktok ng liderato, maging ang Terrafirma Dyip ay nanggulat at nagwagi kontra San Miguel Beermen, sa iskor na 110-104 sa overtime game kahapon ng hapon sa muling pagbabalik ng mga aksyon ng 46th season ng Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup elimination round sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.


Bumanat ng 16 points si 2020 draft 4th pick Mikey Williams para sa Giga, habang nag-ambag naman ng 13 pts si Roger Pogoy, samantalang sa kanyang pagbababalik DVHSU ay rumehistro ng 11 pts ang hometown bet na si Jayson Castro. Bumida sa pagharurot ng Dyip si R. Mccarthy sa 10 pts.


Bukod sa nakuhang panalo, nakamit din ng Giga ang kauna-unahang 4-0 start ni coach Chot Reyes, na minsan pa lang niya nagagawa nang gabayan ang dating koponan na Coca-Cola Tigers noong 2003 Reinforced Conference na grupo ng all-star cast nina Johnny Abarrientos, Bong Hawkins, Rafi Reavis, Rudy Hatfield, Jeff Cariaso, Freddie Abuda at Reynel Hugnatan.


Nanatiling bokya sa komperensya ang Bossing na may kartadang 0-5 habang ang Terrafirma Dyip ay may 1-4 nang kartada.


Nagtrabaho naman ng husto sa second quarter ang mga manlalaro ng Bossings na nagtulong-tulong sa pagkana ng 25-9 blast mula kina Baser Amer, Cruz at Enciso para maagaw ang kalamangan sa 43-37 sa pagpasok ng halftime period.


Samantala, hindi muna binigyan ng schedule ng laro ang Northport Batang Pier matapos silang ilagay sa ilalim ng health and safety protocols sa muling pagbubukas ng laro sa Bacolor, Pampanga.


Sa inilabas na short bulletin, napansin ng fans na walang schedule ng laro ang Batang Pier mula Sept. 1-5. Kinumpirma ni Commissioner Willie Marcial ang status ng NorthPort pero hindi naman nito ipinaliwanag ng husto, pero may ilang sources ang nagsabi na ilang members ng team ang nagpositibo sa Covid-19 bago pa man simulan ang season.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page