Tropang Giga, 3-2 vs. SMB; Bolts humirit ng Game 6
ni Gerard Arce - @Sports | October 14, 2021

Nananatiling buhay ang tsansa ng Meralco Bolts sa semis match kontra Magnolia Pambansang Manok Hotshots at pinahaba ang serye na 2-3 kasunod ng 102-98 panalo, habang nilagok ng TNT Tropang Giga ang San Miguel Beermen, 110-90 para makuha ang 3-2 bentahe, kagabi sa parehong Game 5 ng best-of-seven semifinal series ng 2021 PBA Philippine Cup sa DHVS gym sa Bacolor, Pampanga.
Bumitaw ng kambal na tres at tatlong free-throws si Allein Maliksi sa panalo laro para itabla ang kanyang 2nd career-best sa kabuuang 29 puntos. Naging kaantabay niya sa pagpukol ng puntos sina Nards Pinto sa career-high 24 pts at Chris Newsome sa 23pts.
“We just one to fight another day. We have a very tough road ahead of us and at the same time it’s a do-or-die for us. We consider every game as one step at a time and play another solid defensive game on Friday. It will be very difficult for us because we know that Magnolia will be ready next game, but we need to do it another time,” pahayag ni Meralco head coach Norman Black sa post- game press conference. “Sinabi ko lang sa kanila na tulong-tulong kami at sama-sama para makakuha pa kami ng panalo kase alam naming do-or-die ito, bahala na kung anong maging resulta basta kapit lang at ibigay yung best effort at energy,” anang 34-anyos na si Maliksi na 2011 8th overall pick ng Petron.
Muli namang nanguna sa Hotshots si Mark Barroca sa 25pts. Rumehistro sa Tropang Giga ng double-digit si Jayson Castro sa 19 pts. Bumanat din sina rookie Mikey Williams (18), Roger Pogoy (18), Troy Rosario (17), Kelly Williams (12), at Poy Erram (10), habang kinapos si 6-time MVP June Mar Fajardo sa 23 pts. para sa SMB.
Samantala, dumaranas ngayon ng karamdaman sa dugo si PBA great Robert "Sonny" Jaworski at ayon sa kanyang anak na si Robert "Dodot" Jaworski Jr. ay hindi pa tuluyang nakakarekober ang kanyang ama makaraang magka-pneumonia rin ito noong nakaraang taon. Sinabi ni Dodot na nakikibaka ang ama sa kakaibang sakit sa dugo na siyang nagpapahina sa kanyang sistema para labanan ang iba pang mga sakit. Humihingi ng dasal si Dodot para sa agarang kagalingan ng kanyang ama.





Comments