top of page
TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix.jpg

Tropa nina Eala at Djovic papasikat sa stars exhibition

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 26
  • 2 min read

by Gerard Arce @Sports News | August 26, 2026



Bagamat nalaglag tungo sa quarterfinals ng US Open sina Alex Eala at ATP World No.4 Felix Auger-Aliassime ng Canada, kontra sa mag-asawang sina Gael Monfils at Elina Svitolina sa mixed doubles ay dinumog pa rin silang dalawa ng fans para magpa-autograph pagkatapos ng laro. (philtapix) - SPDTV

Photo: Bagama't nalaglag tungo sa quarterfinals ng US Open sina Alex Eala at ATP World No.4 Felix Auger-Aliassime ng Canada, kontra sa mag-asawang sina Gael Monfils at Elina Svitolina sa mixed doubles ay dinumog pa rin silang dalawa ng fans para magpa-autograph pagkatapos ng laro. (philtapix) - SPDTV



Abala sa kabi-kabilang kasunduan sa 2026 US Open Championship si Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala na sunod na pagtutuunan ng pansin ang nakatakdang exhibition match sa malapit na kaibigang si Iva Jovic ng US sa “Stars of the Open” bukas ng umaga (oras sa Pilipinas) sa Queens, New York City.


Kasunod ng hindi pinalad na pag-usad sa Mixed doubles match quarterfinals kasama si 2024 Paris Olympics bronze medalist at ATP World No.4 Felix Auger-Aliassime ng Canada, kontra sa mag-asawang sina Gael Monfils at Elina Svitolina na nagtapos sa 1-4, 1-4, tutok na atensiyon ng 21-anyos na lefty sa singles match simula Agosto 30.


Nakasigurong makapagbulsa ng premyong $40,000 o mahigit sa P2.4-M sa first round sina Eala at Auger-Aliassime, habang ang magkakampeon ay mag-uuwi ng $1 Milyon.


Muling nabigo ang tsansang makatagpo ni Eala si World No.1 Aryna Sabalenka, matapos malaglag sa kanilang sariling mixed doubles match katambal si tennis legend Novak Djokovic kontra sa pares nina Katerina Siniakova ng Czech Republic at Henry Patten ng UK sa 4-1, 2-4, [2]-[10].


Hindi ito ang unang pagkakataon para sa 2-time WTA 125 titlist na makaharap ang World No.14 na Amerikang katropa matapos nagkaharap sa dalawang singles match sa first round ng 2026 French Open sa iskor na 4-6, 2-6 at sa round-of-16 ng HSBC Championships na pumabor muli sa US player sa 2-6, 2-6.


Nagawa na ring magsama ng dalawa sa women’s doubles sa Indian Wells Masters sa round-of-32 at ASB Classic na umabot naman sa semifinals.


Sa kabilang banda, hinihintay na lamang ang makakaharap ni Eala sa singles match at ang magiging pormal na seeding nito na tinitingnang tutuntong sa pinakamataas na puwesto sa No.17 main draw matches, habang nakuha ang pinakamataas na posisyon sa WTA rankings sa No.18, bilang highest ranked sa kasaysayan ng Southeast Asian players.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page