top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

“Troll farm” na nagkakalat ng fake news sa social media, lagot!

  • BULGAR
  • Jul 14, 2021
  • 2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | July 14, 2021


Naka-ambang imbestigahan ng Senado ang alegasyon na pinopondohan ng pamahalaan ang mga “troll farm” na nagkakalat ng fake news at maling impormasyon sa social media.


Inihain noong Lunes ang Proposed Senate Resolution No. 768 na naglalayong magsagawa ng inquiry in aid of legislation para matukoy ang katotohanan sa mga ulat ng “state-sponsored troll farms.”


Kabilang ang inyong lingkod sa 12 senador na lumagda sa PSR No. 768. Ang iba pa nating kasama ay sina Senate President Vicente Sotto III, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Minority Leader Franklin Drilon, Sens. Leila de Lima, Richard Gordon, Risa Hontiveros, Panfilo Lacson, Manny Pacquiao, Francis Pangilinan, Grace Poe, at Joel Villanueva.


Mahalagang matumbok natin ang katotohanan sa mga alegasyong ito.


Nasa kalagitnaan tayo ng pandemya, at ang dapat pinagkakagastusan natin ay ayuda sa mga kababayan at industriya nating naapektuhan ng COVID-19, healthcare, food security, edukasyon, at jobs protection.


Karapatan ng mamamayang Pilipino na malaman kung ito nga ba ang pinagtutuunan ng pansin ng mga lider nila, o kung nilulustay ba ang kaban ng bayan para sa mga troll farm na ginagamit sa pagtuligsa sa mga kalaban sa pulitika?



☻☻☻


Kaugnay nito, suportado rin natin ang panawagan ni Sen. Joel Villanueva na magkaroon ng commitment sa mga grupong pulitikal tungo sa “troll disarmament.”


Ang Halalan 2022 ay kritikal na panahon para sa ating bansa, at hindi nakakatulong ang mga troll farm na ginugulo lamang ang mga isyu.


Kailangan ng mamamayan ng “clear picture” ng mga nangyayari sa bansa nang makabuo sila ng mas maayos na desisyon sa kung sino ang ihahalal nila.


Nawa’y suportahan ng mga grupong lalahok sa eleksiyon ang panawagan na huwag gumamit ng mga troll farm.


Iwanan na natin kasabay ng pandemya ang fake news.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page