top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Triple Crown Race kay La Trouppei ang korona

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 16, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 16, 2023


Nasaksihan ng mga karerista ang tikas ni La Trouppei matapos nitong siluhin ang korona sa 2023 PHILRACOM "1st Leg Triple Crown Stakes Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.


Dahil sa tulin sa arangkadahan nina Istulen Ola at Jaguar ay pumuwesto si La Trouppei sa pang-lima upang panoorin ang bakbakan ng dalawang kabayo sa unahan.


Pagdating sa kalagitnaan ng karera ay kalmado pa rin sa pagdala ni class A rider Kelvin Abobo kay La Trouppei, nanatili sa kanilang puwesto habang apat na kabayo na ang nagbabanatan sa unahan na kinabibilangan nina Istulen Ola, Jaguar, Going East at Gintong Hari.


Pero biglang lumayo sa unahan si Istulen Ola at Jaguar pagsapit ng far turn at nasa pangatlong puwesto na rin si La Trouppei.


Kaya sa huling kurbada ay nagkapanabayan na sa unahan sina Istulen Ola, Jaguar at La Trouppei.


Sa rektahan nasilayan ng mga karerista ang husay ni La Trouppei nang ungusan nito sina Jaguar at Istulen Ola sa meta kung saan ay halos nguso lang ang agwat.


Inilista ni La Trouppei ang tiyempong 1:38.8 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ang P2.1-M premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Nakopo ni Jaguar ang second place prize na P787,500 habang ang si tumerserong Istulen Ola ay nag uwi ng P437,500. Hinamig ng winning breeder na si Melaine Habla ang P175,000 habang napunta sa second at third placers ang tig-P105,000 at 70,000 ayon sa pagkakasunod.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page