Trilyun-trilyon kung mangutang ang Duterte gov't., tapos kapos
- BULGAR
- Oct 31, 2021
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 31, 2021
NAKAPAGTATAKA NA PUMALO NA SA P11.92 TRILYON ANG UTANG NG 'PINAS, TAPOS KINAPOS PA RIN--Limang araw matapos ianunsiyo ng Bureau of Treasury (BOT) na kinapos na ng P1.14 trillion ang budget ng Pilipinas ngayong year 2021, isinapubliko rin ng BOT na pumalo na sa higit P11.92 trilyon ang utang ng bansa.
Shocking ang magkasunod na anunsiyong 'yan ng BOT kasi trilyun-trilyon na ang utang panlabas ng Duterte gov't., tapos kinapos pa rin sa budget ang 'Pinas.
Dapat imbestigahan 'yan ng Senado para malaman ng publiko kung ang mga inutang na 'yan ay napakinabangan ng mamamayan o kung buwaya lang sa pamahalaan ang nakinabang, period!
◘◘◘
PANG-UUNGGOY NG SWS SA MGA PINOY KASI BAGSAK DAW ANG RATING NI P-DUTERTE, PERO VERY GOOD PA RIN--Sa latest survey na inilabas ng SWS ay mula raw sa 62% satisfaction rating ni P-Duterte noong June 2021 ay bumagsak ito ngayon sa 52%.
Gayunman, nilinaw ng SWS na "very good" pa rin ang rating ni P-Duterte kahit nabawasan ito ng 10%.
Ganyan kung unggoy-ungguyin ng mga survey firms ang mga Pilipino kasi ang bagsak na rating ay minamarkahan pa rin nila ng "very good," buwisit!
◘◘◘
LAST YEAR PA ALAM NG MGA PINOY NA PALPAK ANG TUGON NG DUTERTE GOV'T. SA PANDEMYA--Binatikos ni Aksyon Demokratiko (AD) Vice-Presidential candiddate, Dr. Willie Ong ang Duterte gov't. sa sablay na tugon sa COVID-19 pandemic.
Tila "tutulug-tulog sa pansitan" si Dr. Ong kasi last year pa binabatikos ng iba't ibang sektor ang palpak na response ng Duterte gov't. sa COVID-19 pandemic, pero siya ay ngayon lang napuna na palpak ang laban ng gobyernong Duterte sa pandemya, ngek!
◘◘◘
ANONG PAGKATAO MERON ANG MGA PULITIKONG HUMIHINGI NG ENDORSEMENT KAY P-DUTERTE PARA SA KANILANG KANDIDATURA?--Habang nalalapit ang halalang 2022 ay maraming pulitiko ang naghahangad na i-endorso ni P-Duterte ang kanilang kandidatura.
Kaya't ang tanong: Anong uri ng pagkatao meron ang mga pulitiko na nananalanging i-endorso ni P-Duterte ang kanilang kandidatura?
Mantakin n'yo, ang presidenteng nagmura at uminsulto sa Diyos ang siyang nilalapitan ngayon ng ilang pulitiko para i-endorso ang kanilang kandidatura next year, 'kakakilabot!





Comments