top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Trilyones na utang ng ‘Pinas, ‘di maramdaman!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 4, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 4, 2021



SABLAY ANG PAGTALAGA NI P-DUTERTE KAY GALVEZ BILANG VACCINE CZAR—Ang palusot ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr. ay hirap silang makabili ng mga de-kalidad na bakunang Pfizer, Moderna, Johnson and Johnson at AstraZeneca, kaya’t Sinovac muna ang in-order nila.


Kung totoong hirap makabili ng de-kalidad na bakuna, isa lang ang ibig sabihin niyan, sablay ang pagkakatalaga ni P-Duterte kay Galvez bilang vaccine czar, period!


◘◘◘


HIGIT P2.74-T ANG INUTANG PERO MARAMI PA RIN ANG NAGUGUTOM, NAMAMALIMOS, WALANG AYUDA AT SINOVAC LANG ANG IN-ORDER NA BAKUNA—Sa higit P12 trilyon na ang utang ng Pilipinas sa World Bank (WB), International Monetary Fund (IMF), Asian Development Bank (ADB) at sa ibang bansa, ang P2,74 trilyon dito ay inutang ng Duterte gov’t. bilang pondo na gagamitin ng pamahalaan sa panahon ng COVID-19 pandemic.


Mantakin n’yo, ang laki ng inutang ng Duterte gov’t. na pang-pondo sa krisis na dulot ng COVID-19, tapos ang dami pa ring nagugutom, namamalimos na tsuper, hindi nabigyan ng ayuda at ang masaklap ay made in China na Sinovac ang unang in-order na pambakuna sa mga Pinoy, boom!


◘◘◘


HINDI NA MASABIHAN NI ROQUE ANG TAUMBAYAN NA HUWAG CHOOSY SA BAKUNA KASI MISMONG SI P-DUTERTE AY CHOOSY—Sabi ni P-Duterte, pinayuhan siya ng kanyang doktor na huwag magpabakuna ng Sinovac kasi senior citizen na siya, kaya’t sa ngayon ang sabi ng pangulo ay hihintayin niya ang da best na bakunang ituturok sa kanya.


Dahil sa sinabing ‘yan ni P-Duterte ay hindi na tuloy masabihan ulit ni Presidential spokesman Harry Roque ang pubiko na huwag choosy sa bakuna kasi ang pangulo mismo ay choosy din, boom!


◘◘◘


PANAY ANG BUILD-UP NI P-DUTERTE SA BAKUNANG GAWANG CHINA, PERO AYAW NAMAN NIYANG MAGPATUROK NG SINOVAC—Batikos ang inabot ni P-Duterte sa publiko dahil sa pagtanggi niyang magpabakuna ng Sinovac, na ang palusot ay senior citizen na siya.


Nabatikos si P-Duterte kasi panay ang build-up niya sa bakunang made in China, at ang bakunang ito ang gustung-gusto niyang ipaturok sa mga Pinoy, tapos ayaw naman niyang ibakuna sa kanya, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page