Tren nadiskaril, 44 nadale

ni Justine Berganio @Overseas News | September 14, 2026

Photo: Ang mga tao ng SNCF kung saan makikita ang crashed train sa Cleon, northwestern France. AFP
Sabotage ang isa sa tinitingnang anggulo ng mga awtoridad matapos ma-derail ang isang regional train sa Cleon, northwestern France, na ikinasugat ng 44 katao nitong Biyernes ng gabi.
May 186 pasahero ang tren na bumibiyahe mula Rouen patungong Caen nang nadiskaril. Isang carriage ang tumagilid habang apat pa ang lumihis sa riles.
Kabilang sa mga sugatan ang isang 18-anyos na babae na isinugod sakay ng helicopter sa Rouen University Hospital.
Ayon sa pulisya, may nakitang piraso ng riles sa track na posibleng konektado sa aksidente. Hindi pa malinaw kung paano ito napunta roon, kaya patuloy ang imbestigasyon upang matukoy kung aksidente o sinadya ang insidente.





Comments