top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Treasure Hunting panalo sa Turf Race

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 19, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | June 19, 2023


Patuloy ang pamamayagpag ni Treasure Hunting matapos nitong manalo noong Sabado ng hapon sa naganap na Condition Race (4) na nilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Nirendahan ni class A rider John Alvin Guce, nirehistro ng Treasure Hunting ang impresibong tiyempong 1:39.60 sa 1,600 meter race sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Dahil sa panalo ng anak nina Into Mischief at Spanish Gold na si Treasure Hunting, naibulsa ng winning horse owner na si Dennis Tan ang P10,000 added prize.


Segundong dumating si Kercharmer habang tumersero si Runawayfromrosenot na sinakyan ni jockey JL Santiago. Naitala ni Treasure Hunting ang pangalawang sunod na panalo ngayong buwan ng Hunyo.


Ipinakita ng Treasure Hunting ang husay nito sa largahan matapos nitong humarurot paglabas ng aparato.


Umabante si Treasure Hunting sa unang 100 meter ng laban pero dinikitan agad ito ni Charm Campaign sa backstretch. Hindi naman binitawan ni Treasure Hunting ang unahan, nanatili itong hawak ang bandera hanggang sa rektahan.


Tinawid ng Treasure Hunting ang meta ng may apat na kabayong agwat sa pumangalawang Kercharmer.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page