top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Trauma, bumalik nang makulong… VHONG, PINASASAYA NG MGA KAKOSA SA KULUNGAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 23, 2022
3 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 23, 2022


Clueless si Vhong Navarro at misis niyang si Tanya na may isa pang kasong kakaharapin ang komedyante bukod sa acts of lasciviousness na dahilan ng kanilang pagpunta sa Metropolitan Trial Court sa Taguig City last Monday.


“Ang alam lang po namin noon, kaya kami pupunta ru'n ay magbe-bail kami para sa acts of lasciviousness sa MTC,” panimula ni Tanya nu’ng makausap namin with other members of the entertainment press last Wednesday.


Upon learning na may ganitong kakaharapin na kaso si Vhong, nandoon pa rin daw ang komedyante sa stage na umaasang madi-dismiss ang case.


“Positive siya. Sa tingin niya, madi-dismiss. ‘Bakit naman magkakaroon ng probable cause?’


Pero siyempre, lagi namang ano po ‘yun, eh, ilang araw na po ‘yan. Siyempre, nu’ng simulang ma-reverse siya (acts of lasciviousness case), alam mong, ‘Eto na naman tayo. Meron na namang ganito.' But then, stay positive, ‘di ba?” lahad ni Tanya.


Hanggang sa nagulat sila na may isa pang warrant of arrest kay Vhong para sa kasong rape na isinampa rin ni Deniece Cornejo laban sa mister niya. At dahil non-bailable ang case, tuluyan nang na-detained sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Avenue, Manila si Vhong.


“Shocked na naman siya. Pero this time, ibang level, kasi non-bailable. At ‘yung inaasahan mo na uuwi ka, uuwian mo ‘yung mga anak mo, ‘di ba? Wala,” sabay iling ng ulo ni Tanya.


Diretso na raw na-detained si Vhong kaya kailangang umuwi ni Tanya at kumuha ng mga gamit sa bahay ng kanyang asawa.


“Unstable ang emotion (ni Vhong). Siyempre, may times na nandoon siya sa very vulnerable state, pero nagpapakalakas kasi kailangan, eh. Kailangan naming lumaban sa case,” malungkot na sabi ni Tanya.


Ibinunyag ni Tanya na may takot na nararamdaman si Vhong. At bumabalik na naman ang trauma ng mister dahil sa pambubugbog na ginawa sa kanya noon ng grupo ni Cedric Lee.


“So, ngayon, I think ‘yun ang pinakamalaking burden. Somehow na-assure naman niya ako na he feels safe sa NBI. Sabi niya, ‘Mababait sila rito,’ ‘yung mga inmates niya (sa detention cell). Pero… I don’t know. I am not comfortable to talk about it.


“Basta ang importante sa akin ngayon, habang hinaharap namin ‘to, nagta-trial, at least, he’s safe. Nandoon siya (sa loob ng NBI detention cell),” lahad ni Tanya.


Nakakabawas ng bigat ng kalooban at takot para sa security ng kanyang asawa ang kuwento ni Tanya na pinapatawa at pinapasaya si Vhong ng mga kasama niya sa loob ng detention center.


How ironic, 'di ba? Si Vhong na sikat na komedyante na nagbibigay-tuwa at kaligayahan sa mga manonood ang siya namang pinapasaya ng mga kasama niya sa detention cell.


Sa ngayon ay inaayos at idinadasal ni Tanya at ng legal team ni Vhong na makapag-bail para sa kasong rape na isinampa laban sa kanya ni Deniece.


“Tapos, ang inaano namin ngayon, petition for bail. I know it’s a non-bailable case but we have a strong evidence that it didn’t happen. Yeah, sobrang strong. Kaya nga po naipa'no namin ‘yan several times. Ni-reverse lang,” paliwanag ni Tanya.


Nagbigay din ng reaksiyon si Tanya sa sinabi ni Cedric Lee against Vhong.


Ayon kay Cedric, vindicated siya sa pagkakakulong ni Vhong at tinawag lang namang "serial rapist" ang komedyante.


“Siyempre, galit na galit ako. Ni hindi ako makapag-formulate ng kung ano’ng masasabi ko right now because… siyempre, hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘yung feeling of… na vindicated siya. Hindi ko alam, kasi si Vhong ‘yung victim.


“He may have cheated on me. Sa akin siya may kasalanan. Pinatawad ko na siya. So, wala siyang atraso kina Cedric, kina Deniece,” diin ni Tanya.

Nag-react din si Tanya sa tanong tungkol kay Kat Alano na pa-shade na nagke-claim na na-rape daw ni Vhong.


“Maraming names na, every time they got the chance they get, lumalabas ang mga names na ‘yun.


Uh, hindi ko alam. Hindi ko alam kung paano nila binubuo ang kuwento na ‘yan. Maglabas siya ng ebidensiya,” saad pa ni Tanya.


Nilinaw ng misis ni Vhong na kaya siya nagpapa-interview ay para i-share ito sa mga taga-showbiz, especially sa entertainment media, na matagal nakasama ni Vhong during his entire showbiz career. Kaya marami sa kanila, gaya namin, ang nangungumusta at nagnanais malaman ang kalagayan ni Vhong.


“Hindi ako sumasagot on anything related about uh, ‘yung particulars lalo na kapag hindi na ako comfortable. But ako, kung ano lang 'yung mga questions ninyo naman, so far ay gusto ninyo lang malaman kung kumusta siya, kumusta kami as a couple, kumusta ang family niya,” esplika pa ni Tanya.


Lastly, when asked kung paano nate-take ni Tanya ang malungkot na pangyayaring ito bilang misis ni Vhong, “Hindi ko alam kung ano ‘yung sagot sa paano. Hindi ko rin alam.


Basta one day at a time. Kung kailangan mong harapin, harapin mo. I never accommodated interviews before. Pero this time, kailangan kong magsalita,” umiiyak na paglalahad ni Tanya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page