top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Trapo na malaki gumastos sa halalan, malaki rin ang nanakawin sa kaban ng bayan

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 12, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 12, 2021


NAGAGASTA NG MGA KANDIDATO SA POLITICAL AD, PUMALO NA SA HIGIT P3.7-B—Sa report ng PCIJ (Philippine Center for Investigative Journalism), na kapag pinagsama-sama ang gastos sa political ad ng mga kandidato sa national position ay abot na ito sa higit P3.7 bilyon.


Daming pera niyan, ha?


Patunay ‘yan na hindi mahirap ang Pilipinas kasi ang daming pera ng mga kandidato na panggastos sa kanilang propaganda na inilalabas sa kanilang mga political ad para makumbinse ang publiko na sila ang iboto sa halalang 2022, boom!


◘◘◘


GUMAGASTA PARA MAKA-HAKOT SA CARAVAN AT POLITICAL RALLY, BABAWIIN SA KABAN NG BAYAN—Sabi ni Presidential candidate, Mayor Isko Moreno, na ang mga kandidato raw na nagbibigay ng P1, 500 na budget sa mga riders na sumasama sa mga caravan at tig-P500 sa mga pinadadalo sa mga political rally ay dahil sa laki ng nagagasta ay tiyak babawiin ito sa kaban ng bayan.


May punto si Yorme kasi ang pulitiko na malaki kung gumastos sa halalan, tiyak na malaki rin ang nanakawin sa kaban ng bayan, period!


◘◘◘


MGA PRESIDENTIAL CANDIDATES, TODO-SIPSIP NA KAY P-DUTERTE PARA MAGAMIT ANG MAKINARYA NG GOBYERNO SA KANILANG AMBISYON—Nang umatras sa presidential race si Sen. Bong Go, at sabihin ng senador na ang susuportahan nila sa pagka-pangulo ay ‘yung magpapatuloy sa “Build, Build, Build” Projects; pagpapatuloy sa naging magandang laban ng administrasyon sa COVID 19 at laban sa korupsiyon.


Matapos sabihin ni Bong Go, ang sabi ni former Sen. Bongbong Marcos ay itutuloy daw niya “Build, Build, Build” projects; ayon naman kay Yorme, tagumpay ang laban sa COVID-19 ng Duterte gov’t. kaya’t tutularan niya ito; at ‘ika ni Sen. Manny Pacquiao, tulad din ni P-Duterte ay hate niya ang korupsiyon.


Isang bagay lang kaya nagsisipagsipsip kay P-Duterte ang mga presidential candiddates kasi malaking bagay sa kanila ang endorso ng pangulo para magamit ang makinarya ng pamahalaan sa eleksiyon boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page