Trapo na eleksiyon lang nagpapakita, ibasura sa eleksiyon!
- BULGAR
- Nov 4, 2021
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 4, 2021
DAPAT SA TAX EVADERS NA SINA MICHAEL YANG AT SA EXECUTIVES NG PHARMALLY MAGALIT ANG PANGULO, HINDI SA MGA SENADOR—Sa nakaraang Senate hearing ng Blue Ribbon Committee, nabulgar na hindi pala nagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan sina Michael Yang at ang mga executives ng Pharmally Corp..
Si Michael Yang ay walang record sa BIR na nagbayad ng buwis mula 2014 hanggang 2017, at noong 2018 lang nagbayad, pero P7,600 lang ang binayarang tax; si Mohit noong 2019 ay P22-K lang ang binayarang buwis at si Twinkle naman ay P1-K lang ang binayarang tax sa pamahalaan.
Dapat sa mga tax evaders na ito nagagalit si P-Duterte, at hindi sa mga senador na nag-iimbestiga sa mga kawalang-hiyaang pinaggagawa sa Pilipinas ni Michael Yang at mga executives ng Pharmally, buwisit!
◘◘◘
TRAPO, NAGTATAGO LANG SA PUBLIKO KAPAG NANANALO—Sa darating na eleksiyon next year, dapat ibasura na ng mga botante ang mga trapo na tuwing eleksiyon lang nagpapakita sa publiko.
Kapag nanalo kasi ulit ang mga ‘yan ay magtatago na naman sa mamamayan at lilitaw ulit kapag eleksiyon na naman, boom!
◘◘◘
BAGITONG PULITIKO NA PAKITANG-TAO ANG PAGTULONG, IBASURA DAHIL KAPAG NANALO AY MAGIGING TRAPO RIN—May mga bagitong pulitiko rin ang sasabak sa eleksiyon next year, at panawagan natin sa publiko, na ‘yung mga bagong pulitiko na noong hindi pa kumakandidato ay tumutulong na, ihalal ang mga ‘yan kasi may gagawin silang maganda sa bayan.
Pero ang mga bagitong pulitiko na dati walang pakialam sa mamamayan at ngayong panahon ng eleksiyon ay nagpapakitang-tao sa pagtulong, i-reject sila sa eleksiyon kasi kapag nanalo ang mga ‘yan, asahan nang magiging trapo rin ang mga ‘yan, period!
◘◘◘
MAYOR NA KUMUNSINTE SA STL-CON JUETENG, I-REJECT SA ELEKSIYON—Dahil pinayagan ng mga alkalde ng Taguig City, Muntinlupa City, Parañaque City, Pasay City, Las Piñas City at Makati City na makapag-operate ang STL (Small-Town Lottery)-con jueteng sa kanilang nasasakupan, ang dapat kanila ay ibasura sa eleksiyon ng mga botante.
Mantakin n’yo, naghihikahos na nga ang pamumuhay ng karamihan sa kanilang constituents, pinayagan pa ang mga gambling lords na raketin sa sugal na STL-con jueteng ang kanilang mamamayan, boom!





Comments