Trak sumalpok sa van, helper dedbol

ni Mervin Reyes @News | October 30, 2026

Photo: Circulated / GMA SS - Peewee Bacuno Stringer
Nasawi ang isang 42-anyos na truck helper habang sugatan ang driver matapos bumangga ang kanilang trak sa isang Isuzu refrigerated van sa Atimonan, Quezon, nitong Miyerkules ng gabi.
Ayon sa ulat ng Quezon police nitong Huwebes, binabagtas ng trak ang pababang kurbadang bahagi ng diversion road sa Brgy. Malinao Ilaya alas-8:15 ng gabi nang mawalan umano ng kontrol ang drayber dahil sa basa at madulas na kalsada.
Lumampas sa kurbada ang trak at bumangga sa kasalubong na refrigerated van.
Kapwa nagtamo ng malubhang pinsala ang driver at helper at isinugod sa Doña Marta Memorial District Hospital sa bayan ng Atimonan. Gayunman, idineklarang dead-on-arrival ang helper.





Comments