top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Trak, nagliyab sa highway sa Camarines Sur

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 13, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | August 13, 2022



Isang 6-wheeler truck ang nagliyab sa highway sa Camarines Sur habang bumubuhos ang malakas na ulan, ngayong Sabado ng hapon.


Batay sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) Del Gallego, nagmula sa Fairview, Quezon City ang naturang trak na patungo sa Masbate, kung saan may mga kargang foam ng kama, nang biglang sumiklab ito habang bumabagtas sa Andaya Highway, Barangay Pinagdapian, Del Gallego, Camarines Sur, bandang ala-1:00 ng hapon.


Mabilis na kumalat ang apoy at natupok ang buong trak, kasama na ang mga foam na dala nito.


Sinubukan pa sanang apulahin ng BFP ang apoy, subalit hindi na nila ito inabutan dahil sa layo ng lugar ng sunog.


Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naging dahilan ng insidente habang inaalam na rin nila ang halaga ng pinsala ng nasunog na trak.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page