top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Training at skills development sa manggagawang Pinoy, oks!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 10, 2021
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | June 10, 2021



Dahil sa pandemya, lalong napatotoo ang katagang “the future is now.”


Nagbago ang labor landscape dahil sa mga hamong ipinresenta ng lockdown. Para patuloy na mabuhay, napilitang i-fast-forward ng mga kumpanya ang “digitalization” ng kanilang operasyon.


May pangambang mapag-iwanan ang manggagawang Pinoy dahil sa “transformation” na ‘to.


☻☻☻


Bunsod nito, inihain natin ang Senate Bill No. 2271 o ang “Jobs Next Act.”


Nilalayon ng panukalang-batas na maglatag ng sistemang magsisigurong magiging “future-proof” at competitive ang manggagawang Pilipino sa pamamagitan ng patuloy na training at skills development.


Magtatatag ng National Future Skills Council na magdidirekta sa bansa upang makamit ang layunin ng batas.


“It shall promote future skills development through the development of a future skills framework, and catalyze the same by fostering partnership with public and private partners and providing funding.”


☻☻☻


Magkakaroon din ng Future Skills Bureau sa ilalim ng Department of Trade and Industry na gagawa ng Labor Market Intelligence Survey and Analysis na pagbabasehan ng Future Skills Roadmap.


Kasama sa mga tutukuyin ng Labor Market Intelligence Survey and Analysis ay ang global skills trend at domestic industry needs, current workforce skills landscape at ang pagkilala ng mga training partners mula sa private sector, training organization, at higher education institutions.


☻☻☻


Ang Jobs Next Program naman ay magbibigay ng mekanismo para maka-access ang Philippine workforce ng mga educational at training program.


Mayroon itong tatlong pangunahing serbisyo: individual skills voucher; employer training support; at future skills projects.


Magkakaroon din Jobs Next Program Online Portal na magsisilbing one-stop shop digital platform.


☻☻☻


Umaasa tayong sa lalong madaling panahon ay matalakay ang panukalang-batas na ito.

Mahalagang aspeto ang pag-upgrade sa kakayahan ng workforce kung nais nating mamayagpag muli pagkatapos ng pandemya.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page