Trabaho lang daw, walang personalan… GLAM TEAM NI HEART, 'DI SINULOT NI RHIAN
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 30, 2023

Hindi naman siguro mamasamain ni Heart Evangelista kung lumipat man ngayon ang dati niyang glam team sa kapwa Kapuso actress na si Rhian Ramos.
Wala namang sulutan na naganap dahil umalis na sa poder ni Heart ang dati niyang glam team.
Kailangan din namang may pagkakitaan ang mga taong ito at labas na si Rhian kung anuman ang dahilan kaya iniwan si Heart ng dati niyang hairstylist at make-up artist.
Payo naman ng mga netizens, makakabuting pareho na lang manahimik ang kampo ni Heart at ng dati niyang glam team. Pangit kasi kung may isyu pa tungkol sa pera at magsusumbatan pa sila.
Samantala, bukod sa napakahusay na acting na ipinamalas ni Rhian bilang si Margaret Royales sa seryeng The Royal Blood, maraming viewers ang nakapansin sa kakaibang ayos at aura niya sa nasabing serye.
Ibang-iba ang dating niya sa TV screen, sosyal at class na class hindi lang sa kanyang ayos at makeup kundi maging sa kanyang mga outfit. Pang-yayamanin talaga! At 'yun ay sa tulong ng dating glam team ni Heart Evangelista na lumipat na ngayon kay Rhian Ramos.





Comments