top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Toy for the Bigboy pinabilib mga Karerista

BULGAR
Mar 23, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | March 23, 2022


Ipinakita ni Toy For The Bigboy ang husay nito sa rematehan matapos manalo sa 2022 PHILRACOM "Classic Cup Race" Division III noong Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.


Sinakyan ni JPA Guce, lumabas na pang walo sa largahan si Toy For The Bigboy habang nagbabakbakan sa unahan sina La Liga Filipina at Kid Baloloy habang nasa tersero ang liyamadong si Fortissimo.


Pagsapit ng far turn ay solo na sa unahan si La Liga Filipina habang nasa malayong likuran pa rin ang winning horse na si Toy For The Bigboy.


Sa rektahan bumilib ang mga karerista nang makita nila ang pagremate ni Toy For The Bigboy at manalo pa ito ng may limang kabayo ang agwat sa pumangalawang si Hookbung Dagat.


Inirehistro ni Toy For The Bigboy ang tiyempong 1:54.6 sa distansyang 1,800 meter race sapat upang hamigin ng horse owner na si AR Santos ang P300, 000 premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM). "Napakagaling ni Toy For The Bigboy, sobra nanalo tingin ko basta maganda ensayo at nasa kondisyon kaya niyang manalo sa mga big event," pahayag ni Manolo Ventura, veteran karerista. Nasikwat ni Hookbung Dagat ang second prize na P100,000 habang nasungkit nina Hook On D Run at La Liga Filipina ang tig-P50,000 at P25,000 ayon sa pagkakasunod.


Pagkatapos manalo ni Toy For The Bigboy ay sumunod agad sa nagpakitang-gilas si Fantastic Matty na nirendahan ni JL Lazaro. Nagwagi si Fantastic Matty sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System, inilista nito ang 1:23.8 minuto sa 1,300 meter race na pinasibat sa pangatlong karera.


Samantala, 7 karera ang inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw ng Miyerkoles kaya inaasahang magiging masaya ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Mga Pili ni Green Lantern:


Race 1. Southern Man (3), Joyful Princess (6), Pharaoh's Fairy (2)

Race 2. Lucky Julliane (5), Iikot Lang (6)

Race 3. Glass Designer (3), Lucky Noh Noh (7), Sapin Sapin (8)

Race 4. Gomper Girl (2), Beli Bell (6)

Race 5. Super Master (8) Chef cat (2), Raxa Bago (1)

Race 6. Eazacky (1), Meghan Maxene/Hee Nieve Rahh (2/2A), Lucky Hilda (4)

Race 7. Rhaegal (12), Haymaker (3), Misha (6)


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page