Totoong pumayat daw… SHARON, 3 SUBO LANG KUMAIN, TAPOS CHICHARON NA
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 24, 2022

Inamin ni Sharon Cuneta na ninenerbiyos siya habang nalalapit na ang kampanya sa 2022 elections kung saan ay kandidato nga ang mister niyang si Sen. Kiko Pangilinan sa pagka-bise-presidente.
“Kung puwede lang itulog ko ‘yung tatlong buwan (na campaign months) sa nerbiyos,” pabirong sabi ni Sharon sa isinagawang Facebook Livestream kasama ang asawa.
“Ninenerbiyos nang konti because of COVID, and because ‘yung laban nga, ang budget ng ibang kandidato ay hindi hamak na parang balon, hindi nauubusan ng tubig.
“Kami, parang ilang salop pa lang kami ng balde. Na siyempre, hindi naman puwedeng lahat ng naipon namin ay. . . wala na kaming makakain at maipapaaral sa mga anak namin,” sey ni Megastar na natatawa.
Mabuti na nga lang daw, may nag-donate sa kanila ngayon ng billboards para kay Sen. Kiko kaya very thankful sila sa mga supporters and volunteers.
Sa nasabing livestream ay napuri ng mga Sharonians ang pagpayat ni Mega ngayon at itinanong ang kanyang sikreto.
Sobrang pagkokontrol daw talaga sa pagkain ang ginawa niya. Sey ni Sen. Kiko, parang ibon daw kumain si Sharon na patuka-tuka lang.
“Mga 3 o 4 na subo, tayo na ‘ko. Kaya okay na ako, chicharon lang,” sey ni Shawie.
Samantala, naging emosyonal din si Megastar nang mapag-usapan ang struggle na pinagdaanan niya sa sabay na pagtakbo sa parehong posisyon ni Sen. Kiko at ni Senate President Tito Sotto na asawa ng Auntie Helen Gamboa niya.
“It’s really still hard for me kasi pamilya ko ‘yun, eh. Nagkataon naman, sabay silang tumakbo. Ang hirap. I don’t wish for anyone to be in my situation. Kasi, how do you choose between the
moon and the sun? ‘Yun ang sitwasyon ko.
“You cannot live with just the sun. You cannot live with just the moon. The moon is my dad, I mean, Tito Sen. . . so. . .” umiiyak na sabi ni Sharon.





Comments