top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Total control ng BSP sa usapin ng pag-disenyo ng ating mga pera, tanggalin na

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 15, 2021
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | December 15, 2021



Kinukuwestiyon natin ang pagtanggal sa tatlong World War II martyrs sa bagong disenyo ng P1, 000 banknote na ginawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas.


Kamakailan, inanunsiyo ng BSP ang paglabas ng bagong polymer P1, 000 bills. Parte raw ito ng direksiyon nilang gumamit ng plastic synthetic material sa halip na cotton at abaca. Mas hygienic, sustainable, durable at cost-effective raw kasi ang plastic synthetic material.


Ang pagpapalit ng disenyo at features ng mga barya at papel ay regular na ginagawa ng BSP bilang pangontra sa pagpepeke.


Nakalulungkot ang tila pagtalikod sa kasaysayan natin at sa naging sakripisyo ng ating mga bayani.


Literal na nawalan na ng papel ang ating mga bayani. Nakalulungkot na sina Josefa Llanes-Escoda, Jose Abad Santos, at Gen. Vicente Lim ang naging unang biktima ng retail revisionism at hero delegitimization.


Hindi natin naiintindihan kung bakit tila nais ikubli ng BSP ang alaala ng ating mga bayani at ng kanilang kabayanihan.


☻☻☻


Kaugnay nito, iminumungkahi nating tanggalin ang total control ng BSP sa usapin ng pag-disenyo ng ating mga pera.


Baka panahon nang maging tripartite ang proseso ng pag-disenyo ng pera. Una, dapat aprubahan at i-endorso ng National Historical Commission of the Philippines ang mga major redesign ng BSP. Pagkatapos, dapat may concurrence ng Kongreso bago ito i-release for circulation.


May mga implikasyon sa kasaysayan at kaakuhan natin ang mukha ng pera, kung kaya’t kailangang may higher purpose palaging nananaig sa halip na purong estetikang pananaw lamang ang ginagamit.


Kailangan nating idagdag ang mga hakbang na ito, kasama na ang konsultasyon, upang maiwasan ang pagkadismaya ng publiko nating pinaglilingkuran.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page