top of page

Topless, blonde hair, etc… ANDREA, TODO-GIMIK PARA ‘DI MASAPAWAN NINA KAI AT SHANTI NG LAPILLUS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | March 17, 2026



Andrea Brillantes - Instagram

Photo: Andrea Brillantes - Instagram



Ayaw paawat ni Andrea Brillantes sa pagbabandera ng kanyang kaseksihan sa social media.


Katatapos lang n’ya sa basketball-themed photoshoot, heto’t isa na namang themed shots ang ibinahagi n’ya sa kanyang Instagram (IG) Stories.


Isang firing sexy shot with short blonde hair ang ibinahagi ng petite actress.

Sey nga ng mga netizens:


“Kahit ano’ng gawin n’ya sa hair n’ya, bagay lahat.”

“Para s’yang si Queen Cersei sa Game of Thrones.”


“Maganda talaga si Andrea kahit saang anggulo tingnan at bagay sa kanya ang blonde hair.”





Sa bagong larawan, ang tema ay ‘contact player’. Siya ay topless ngunit may proteksiyon na chest shoulder vest, kasama ang sports panty, mahabang puting medyas, at itim na high heels. 


Ang kanyang blonde short wig ay nagdagdag pa sa kanyang sex appeal at ipinakita rin ang kanyang magandang hubog ng katawan.


Ang post ay nakatanggap ng mainit na reaksiyon mula sa mga netizens na nagbuhos ng fire at heart icons.


Ang naunang basketball-themed shoot ay inspirasyon ni basketball legend Michael Jordan, kung saan nagsuot siya ng Bulls-style jersey.


May nagsasabi namang, “Lumalaos na si Andrea Brillantes ngayon, lalo na’t may Kai Montinola and Shanti ng Lapillus, kaya lahat ay ginagawa para mapansin.”


Hmmm… parang hindi naman, simula’t sapul naman ay mahilig na siyang mag-post ng iba’t ibang kaganapan sa kanyang buhay.





Aktor, natulungan daw makabangon…

DANIEL, ‘DI NA ISINUSUKA NG FANS NANG MAGING BF NI KAILA


Lantaran na nga ang pagmamahal ni Daniel Padilla kay Kaila Estrada.

Nag-celebrate ang anak nina Janice de Belen at John Estrada ng kanyang 30th birthday last March 16. Hinarana ni DJ (Daniel) si Kaila with matching bouquet of roses para sa dalaga.


Tanggap na nga ng mga netizens ang KaiNiel at kilig na kilig sila sa haranang ginawa ni DJ. Hindi mapigilang mapaluha ni Kaila sa gestures na ginawa ng boyfriend. 

Special night talaga para sa aktres ang gabing iyon dahil lumitaw ang tunay na ganda ni Kaila sa simple niyang kasuotan.


Sey nga ng mga netizens:

“Ganda ni Kaila.”


“Ang ganda n’ya talaga! Ang mga mata, ang mga labi, ang mga pisngi, ang katawan. Madaling 10 s’ya, eh. Kumpletong pakete! Suwerte mo, P’re (Daniel)!”

“Ang laki ng ipinagbago ni Daniel. Love, love, love.”


“Ang kailangan mo lang ay ang tamang tao sa buhay mo plus talino at mabuting pagkatao.”

“Ang relasyon na ‘di nakakahiya, love it.”


“Laging magkakasama both families and non-showbiz friends, so alam na next, at trenta na rin sila pareho.”


“Ang gaan nilang tingnan. Ewan ko ba pero bet ko silang dalawa. Nakaka-happy lang. Showbiz relationship na ‘di puro eme. Daniel, umayos ka. In her small ways, natulungan ka rin ni Kaila makabangon on and off cam.”


“Mas superstar pa rin si Daniel dahil tumatanggi naman s’ya sa mga in-offer. Si Kaila pa ang naambunan, pati ang mga fans n’ya, support kay Kaila.”

“In fairness, maganda ang anak nina Janice at John Estrada.”

“Basta si DJ, may kilig kahit sino pa partner n’ya.”

“Hoping si Kaila na ang partner in real life n’ya.”


Kinuwestiyon naman ng isang netizen ang kinanta ni DJ, “Bakit naman ‘yan ang kinanta?”

Paliwanag ng isang fan, “It’s a love song na bagay na bagay kay Daniel. S’ya na mismo ang nagsasabi na ‘di s’ya bagay kay Kaila pero sinasamba n’ya.”


“Naging good image si Daniel nu’ng naging sila ni Kaila. Nawala ang inis ng mga casual fans sa kanya at napunta sa ex n’ya.”


“True, isama mo ako ru’n. Naging good vibes si Daniel nu’ng naging sila ni Kaila.”

“Eh, kasi, wala namang masabi kay DJ, unlike sa ex n’ya.”


“I saw them together, grabe ang chemistry. Low-key sila masyado. Ang ganda ni Kaila in person and I love her skin tone. Si Daniel, as always, very charming and accommodating sa mga fans.”


“Si Kaila ay effortlessly cool, ‘yung it girl—confident, not insecure, at maganda lagi.”

“Ang tanong, hanggang kailan?”


“Actually, lahat ng anak nina Janice at John, nasa maayos na relasyon.”

“Sosyalin na very simple ang awrahan at sobrang ganda!”


“Maganda rin si Janice when she was younger, kaya maganda si Kaila.”

“‘Di na ito pakakawalan ni DJ. Grabe ang ganda at ang talino n’ya.”

“Dahil kay Kaila, ‘di na mukhang maasim at warfreak si Daniel.”

Ganern?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page