Top sa survey, kulelat sa mismong eleksiyon, ngek!
- BULGAR
- Jan 3, 2022
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 03, 2022
SA ELEKSIYON PA MALALAMAN ANG MALAKAS NA KANDIDATO, HINDI SA OUTPUT NG MGA SURVEY FIRMS—Kahit nagta-top si Mayor Sara sa mga survey ay hindi pa rin nakasisiguro na siya ang mananalong VP ng Pilipinas.
Mismong survey firms ang nagsasabing 1,200 katao lang ang kanilang sinu-survey, samantalang ayon sa Comelec ay higit 64-M ang botante sa halalang 2022 kaya’t kahit palagi siyang nagta-top sa survey ay wala itong saysay, period!
◘◘◘
KAYA HINDI NA PINANINIWALAAN ANG MGA SURVEY KASI ‘YUNG NAGTA-TOP SA SURVEY, TALO SA ELEKSIYON—Marami na ang hindi naniniwala sa mga survey firms dahil maraming pangyayari na ‘yung pinalalabas ng mga survey firms na malalakas na kandidato sa national at local positions ay talo sa aktuwal na halalan.
Kung sana, counted sa pagbilang ng Comelec ang resulta ng mga survey firms, d’yan puwede pang paniwalaan ang mga resulta ng survey, kaya lang ang problema, hindi counted sa bilang ang inilalabas na resulta ng mga survey firms, kaya kadalasan ay kabaligtaran ang nangyayari, na ‘yung top sa mga survey, talo sa eleksiyon, boom!





Comments