top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tony Tuviera, patatalsikin na rin… KALAT NA: WILLIE, PALIT SA TVJ SA EAT BULAGA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 5, 2023
  • 1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | March 5, 2023




May mga sitsit na diumano, may planong i-kick-out ni Romy Jalosjos, Jr. ang top executive ng Eat…Bulaga! na si Mr. Tony Tuviera at ang tatlong original hosts ng programa na sina Tito, Vic, and Joey.


Ayon kay former Congressman Jalosjos, siya na umano ang magte-take control sa Television and Production Exponents, Inc. (TAPE, Inc.) kung saan ang dating nagpapalakad ay ang business partner nilang si Mr. T a.k.a. Tony Tuviera.


"He just waited for Tito to get out of politics before launching his takeover bid," ayon sa isang source.


May lumalabas pang balak na ipalit ni Jalosjos si Willie Revillame para maging main host ng Eat… Bulaga! once he regains control of TAPE.


Agad naman daw nag-emergency meeting si Tuviera at ang TVJ hosts to plan their next move.


If ever, may plano si Tuviera at ang TVJ na mag-launch diumano ng bagong noontime show titled Dabarkads featuring Wally Bayola, Jose Manalo, Allan K. at Maine Mendoza.


Sa radio show ng batikang kolumnista na si Nanay Cristy Fermin, sinabi niyang may tension na nangyayari ngayon sa Eat… Bulaga!.


"Mayroon pong internal na problema na nagaganap sa programang ito. Hindi po kami magbabanggit ng mga pangalan, pero meron po talaga. Hindi naman kasi isang tao lang po ang nagpapatakbo-nagmamando sa Eat… Bulaga!. Ito po ay isang korporasyon, marami po sila rito," esplika niya.


"Ang balita, merong isa na mahal na mahal natin, isang ehekutibo na gustong tanggalin si Paeng sa pamamahala ng programa. Kapag tinanggal 'yung pinag-iinitan na ehekutibo at namumuhunan, sasama sila lahat sa tao na 'yun," dagdag pa niya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page