top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

TONY TUVIERA NG EAT BULAGA!, TAMEME KAY MAYOR BULLET

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 29, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | April 29, 2023




Ilang minutong tinalakay ni King of Talk Boy Abunda sa simula ng kanyang programang Fast Talk ang naging panayam niya kay Dapitan Mayor Bullet Jalosjos.


Si Mayor Bullet ang Chief Finance Officer ng TAPE, Incorporated na nagmamay-ari ng Eat… Bulaga!.


Sa interbyu ni Mayor Bullet ay sinabi niya kay Kuya Boy na nag-resign daw ang isa pang ehekutibo ng TAPE na si Mr. Tony Tuviera.


Pero sa panayam kay former Tito Sotto ay pinasinungalingan niya ang sinabi ni Mayor Bullet, hindi raw nag-resign si Tony voluntarily.


“In his (Tito) opinion, Tony was made to resign,” lahat ni Kuya Boy sa kanyang programa sa GMA-7.


Tinanong din ni Kuya Boy si Bullet kung may problema sila sa pera. Sagot ni Mayor Bullet, wala naman daw.


Again, ni-refute ito ni Tito at sinabihan daw sila na nalulugi ang kumpanya. Bukod doon, lumabas na may utang ang company sa dalawa pang hosts ng Eat… Bulaga! na sina Vic Sotto at Joey de Leon ng tig-P30 M.


“Ako, I just remember, I would like the public to know that bago namin mainterbyu si Mayor Bullet Jalosjos, ako’y tumawag nang personal kay Tony Tuviera, kay Mike Tuviera na mga kaibigan ko, na pamilya ako. And other people are involved dito sa usaping ito.


“They chose to be quiet. At naiintindihan ko po. At iginagalang ko po ang kanilang pananahimik. But we did call. Bumusina po kami bago po kami nag-interbyu.


“You know, ang pangarap naman po namin is to be able to present uh, you know, stories as fairly as we can and we tried to do it.


“Pero sa dulo ng kuwentuhang ito, ano ba talaga ang ating pinapangarap?


“Sana’y maayos ito. Sana ay maayos ito ng pag-uusap, dahil kawalan din ho ito, natin. Eat… Bulaga! has been part of our life for 43 years. Sinabi ko po 'yan.


“This is the reason why we continue to be interested. We are engaged in this conversation.


And kami po rito sa Fast Talk With Boy Abunda, we remain open. We remain open to all sides of the story. At kami ay magpapatuloy makinig, manood at narito lamang po kami para iparating sa aming manonood ang kabuuan ng kuwentong ito,” diin pa ni Kuya Boy.


For sure, may mga nagpaparunggit kay Kuya Boy ng paninisi sa kanya kung bakit ininterbyu niya si Mayor Bullet sa kanyang show.


And knowing Kuya Boy, he will not let these talks about him and his show na magpatuloy nang ‘di lumalabas ang buong katotohanan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page