top of page
Search
  • BULGAR

TONY, TINAWAG NA 'CLOSETED ARTIST' NG BASHER

ni Julie Bonifacio @Winner | May 1, 2024



Showbiz Photo
Photo: Tony Labrusca

Sinupalpal ng ilusyunadong basher ang aktor na si Tony Labrusca. Idinaan pa nito sa isang blind item (BI) sa social media ang ilusyon niya kay Tony.


Pero sa bandang huli ng kanyang naka-post na BI ay kulang na lang, pangalanan niya kung sino ang kanyang tinutukoy.


Post ng basher ni Tony, “No, not this closeted artist who's here in Cebu flirting with me with a sticky and nasty look at barrio last Saturday.


“Also, all the rumors were true after all.”


Dagdag nito, “How glorious.”


Oh, ‘di ba, giveaway na giveaway na ang tinutukoy niya sa kanyang blind item? Si Tony ang bida sa BL series na Glorious.


Well, comment naman ng isang netizen, “Sinabi kasi, glorious, sino pa ba? Nag-react ka na agad at parang tiningnan ka lang, blind item mo na agad ‘yung tao. Grabe! Baka iba lang ang interpretation mo sa look n’ya.


“That’s too rude,” dagdag nito. 


Anyway, hindi naman pinalampas ni Tony ang ginawa ng ilusyunadong basher.


Sagot ni Tony sa isang post, “Some of you are too delusional.” 


Kaya naman pinutakti rin ng panlalait ang basher na ito ni Tony mula sa mga netizens.


Sey ng isa sa mga dumepensa para sa aktor, “Puwede namang hindi totoo, look lang pala.

Hindi ka naman nilapitan, kinausap at hiningan ng number. Puwedeng pa-famous lang ‘yan.”


Pagkatapos atakihin ng mga netizens ang ilusyunadong basher ay nag-deactivate raw agad ito sa socmed gamit ang kanyang fake account.


For sure, natakot si accla.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page