TONY, 'DI MALILIMUTAN ANG NANGYARI SA KANILA NOON NI KATHRYN
- BULGAR
- Nov 28, 2022
- 2 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 28, 2022

Hindi mo talaga masasabi ang destiny, dahil sino'ng mag-aakala na ang dating kaherong si Tony Labrusca sa isang kilalang tindahan ng damit sa Canada na minsang nakita noon si Kathryn Bernardo ay magkakasama pala sa isang TV series na La Luna Sangre?
Sa solong panayam kay Tony ni Ogie Diaz para sa YouTube channel nito, nabanggit ng aktor na nakita niya noon sa Forever 21 si Kathryn na bumili ng fur jacket.
Sa dami ng mga naging trabaho ni Tony sa Canada ay natanong ni Ogie kung may nakita siyang artista.
“Meron, si Kathryn Bernardo. So, nagulat ako kasi ang haba ng pila, tapos nu’ng wala na ‘yung tao, siya na lang ‘yung customer, bumibili siya ng fur na jacket, tapos ako na lang ‘yung cashier du’n, sobrang namumukhaan ko ‘yung hitsura niya.
“Tinanong ko siya, ‘Ikaw ba si Kathryn? Ikaw ba ‘yung artista?’ Tapos nag-ano (tumango) lang siya sa akin, parang gusto na niya kasing bilhin ‘yung jacket, tapos ini-small talk ko pa siya,” nangingiting kuwento ni Tony.
At dahil ang daming tanong noon ng aktor ay nairita na ang road manager dati ng aktres dahil nga nagmamadali sila.
“'Yung RM niya at that time, parang naiinis din sa akin, kasi gusto lang yata nilang bumili, tapos umalis, tapos tsini-chika ko pa sila,” natatawang alaala pa ng binata.
Hanggang sa naging finalist na siya ng Pinoy Boyband Superstar at nang hindi pinalad na manalo ay napasok sa pag-arte.
At napakasuwerte niya dahil unang TV series niya na La Luna Sangre ay siya ang third wheel kina Kathryn at Daniel Padilla.
“Nakakatuwa kasi parang naging foreshadowing din siya.
“I mean grabe, Mama Ogs, can you imagine? Hindi ko pa alam na magiging artista ako, makikita ko siya diyan sa Forever 21, tapos 5 years later, ako ‘yung magiging third wheel nila sa La Luna Sangre? 'Di ba grabe?” masayang kuwento ng aktor.
“O, 'di ba déjà vu?” sambit naman ni Ogie.





Comments