TONI, TANGGAP NA NAWALAN NG MGA KAIBIGAN SA SHOWBIZ DAHIL KAY BBM
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 8, 2022

Mas tumaas ang premium ngayon ni Toni Gonzaga bilang product endorser matapos niyang panindigan ang pagsuporta kay BBM noong nakaraang eleksiyon.
At ngayong nanalo na bilang pangulo si BBM, mas nagmarka si Toni sa publiko hindi lang sa 31M BBM supporters.
Hindi pinanghinayangan ni Toni nang bitiwan ang pagho-host ng Pinoy Big Brother kung saan siya ay na-bash dahil sa pagpanig niya sa BBM-Sara tandem. At wala siyang pinagsisihan sa kanyang ginawa.
Ngayon higit na napatunayan ni Toni na hindi siya nagkamali sa kanyang desisyon. At kung may mga dating kaibigan at kapwa artista man ang lumayo at nag-cancel sa kanya nang dahil sa pulitika, tinanggap ni Toni ang lahat. Hindi siya nanumbat at nagtanim ng sama ng loob.
Basta ang mahalaga kay Toni ay wala siyang siniraan na sinuman. Tahimik ang kanyang kalooban at nakakatulog nang mahimbing at taas-noong makakaharap kahit na kanino.
Hindi niya ipinagyayabang na malapit sila ng mister na si Paul Soriano kay Pangulong Bongbong Marcos.





Comments