top of page

TONI, NAKAPAGPAGAWA NG STUDIO DAHIL SA KITA SA VLOG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 24, 2022
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 24, 2022


ree

Ratsada na ngayon ang Toni, ang reality talk show ni Toni Gonzaga sa AllTV na mapapanood daily (Monday to Friday) at 5 PM.


Kakaiba ito sa kanyang Toni Talks sa YouTube. Dito sa Toni ay hindi lang mga sikat na showbiz personalities ang ipini-feature. At ang kanyang production team-producer ang nagdedesisyon kung sinu-sino ang mga kukuning guests sa show.


Ang tinatanong lang niya ay kung ano ang intensiyon o purpose sa napili nilang guest.


Gusto ng kanilang show na ma-inspire ang kanilang audience sa istoryang kanilang itatampok.


Samantala, sa kanyang unang pagharap sa media after ng pandemic, naikuwento ni Toni G. na ang kanyang mister na si Paul Soriano ang kumumbinse sa kanya na mag-vlog upang maging outlet niya habang wala pa siyang show. Eh, may pagka-introvert si Toni at wala siyang tiwala sa kanyang sarili.


Pero si Direk Paul ang nag-push sa kanya na mag-vlog. Malaki raw ang paniniwala ng kanyang mister sa kanyang kakayahan.


Kaya naman after two years, ang kinita sa kanyang YouTube ay naipagpagawa niya ng kanyang sariling studio. Dito na siya nagteteyping ngayon ng Toni show. Dati ay ang opisina ni Direk Paul ang kanyang ginagamit.


Bale si Direk Paul Soriano ang producer ng Toni reality talk show kaya may kontrata siya sa AllTV.


Marami naman ang nagre-request na i-guest sa Toni show si Congressman Sandro Marcos o kaya ay si Willie Revillame. Marami ang nakaka-miss na kay Kuya Willie kaya gustong makibalita kung ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon bukod sa pag-aayos ng mga programa ng AMBS/AllTV.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page