Best Actor ng MMFF, tinalo si Zanjoe… VICE, HIRAP NA HIRAP UMIYAK
- BULGAR

- 7 hours ago
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 30, 2025

Photo: IG _praybeytbenjamin
Namugto ang mga mata namin sa premiere night ng MMFF entry nina Vice Ganda at Nadine Lustre na Call Me Mother kasama ang batang si Lucas Andalio.
Diretso naming sasabihin, sa lahat ng pelikula ni Vice taun-taon, ito ang pinakagusto namin kung saan gumanap siyang ina sa batang si Lucas na ang totoong ina ay si Nadine.
Kaiba sa mga naunang movies ni Vice, mas mabigat ang mga drama scenes dito lalo na ang confrontation nila ni Nadine sa ospital.
Nagawa ni Direk Jun Robles Lana na mag-level-up ang acting ni Vice para hindi lang puro comedy ang kayang ipakita, puwede ring magdrama.
Pero nang panoorin uli namin ang movie after Christmas, may napansin ang mga kasama naming nanood na hirap daw umiyak at magpatulo ng luha si Vice. Parang medyo kulang pa raw ang emosyon nito sa mga drama scenes.
Well, maaaaring hindi lahat ay ma-please ni Vice sa kanyang acting. Pero kung kami ang tatanungin, deserving si Meme sa Best Actor award niya dahil napanood din namin ang iba pang entries sa MMFF at kung iko-compare ang bigat ng role niya rito at ang effort na kanyang inilabas kumpara sa bigat na inilabas nina Zanjoe Marudo (UnMarry), Piolo Pascual (Manila’s Finest), Richard Gutierrez (Shake, Rattle and Roll: Evil Origins), Gerald Anderson (Rekonek), Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda at Kean Cipriano (Bar Boys 2: After School), Earl Amaba (ImPerfect) at Will Ashley at Dustin Yu (Love You So Bad), mas angat pa rin ang naging performance ni Vice.
Pero dahil gusto naman ni Vice, laging may bagong io-offer sa kanyang mga fans, baka naman mas may ile-level-up pa ang acting niya depende sa ganda ng role.
At sabi nga ni Vice, kahit Best Actor na siya ngayon ng MMFF, hindi pa niya maituturing na peak ito ng kanyang career dahil si Lord lang daw ang makakapagsabi nu’n. Everyday is a learning experience for him.
So, sa mga nagdududa pa rin sa galing ni Vice Ganda sa Call Me Mother, watch na lang kayo para kayo na ang magsabi kung pasado ba ang acting niya sa standards n’yo.
Ang nakakabilib ay ang kaseksihan ni Nadine sa CMM, perfect ang figure niya to be a beauty queen. May mga nakapansin lang na tila nabago na ang ilong ng aktres at mukhang nagparetoke raw, gayundin ang kanyang lips.
Well, kung nagpa-enhance man siya, at least, bumagay sa kanya.
Bilib na bilib din kami sa galing ng batang si Lucas Andalio na pamangkin pala ni Loisa Andalio. Hindi lang super cute at lovable ang bagets, napakagaling pang umarte. Deserved niya ang Best Child Performer award sa Gabi ng Parangal ng MMFF.
Congrats to the whole team of Call Me Mother. May mga nagre-request na nga raw ng Part 2 pero mas gusto yata ni Direk Jun Lana na ibang story naman ang gawin nila ni Vice Ganda.
Barbie, inilalantad na in public…
RICHARD, MASAYA ANG LOVE LIFE
NAKITA namin si Richard Gutierrez sa 51st MMFF Gabi ng Parangal last Saturday at napakasipag niya talagang mag-promote ng kanilang entry na Shake, Rattle and Roll: Evil Origins dahil aniya, kahit nu’ng Pasko ay naglilibot sila sa mga sinehan.
Noche Buena lang daw talaga ang pahinga niya at bonding with the family dahil maghapon nu’ng December 24 at kinaumagahan ng Dec. 25, nag-cinema tour na sila to promote SRREO ng Regal Entertainment.
Kaya naman ang nilu-look forward ni Chard for 2026 ay magkaroon naman ng quick vacation bago simulan ang teleserye nila ni Gerald Anderson at another movie with Regal Entertainment.
Hiningi namin ang reaksiyon niya sa pagiging open na nila ni Barbie Imperial in public na tipong soft launch na rin ng kanilang relationship dahil wala pa talaga silang inaamin.
Napangiti ito at napatango at ang matipid na sagot, “Yeah, of course. Next time na, i-save natin ‘yan for 2026.”
Pero nang matanong kung happy ba ang love life niya, ‘di naman ito nag-deny, “Happy, happy. Dapat kayo rin, ha?”
Oh, ‘yan, ha? Mukhang may pasabog si Chard sa 2026 kaya abangan ang hard launch nila ni Barbie Imperial.
Palabas pa rin ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins kung saan kasama si Richard sa third episode na 2050.








Comments