Dating No. 1… Andrea, pang-4 sa 100 pinakamaganda sa buong mundo
- BULGAR

- 6 hours ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 30, 2025

Photo: IG _blythe
Inilabas na ng TC Candler ang kanilang taunang listahan ng 100 Most Beautiful Faces of 2025, at nakakatuwa na hindi talaga nagpapahuli ang ating Filipino celebrities.
For this year, Andrea Brillantes landed in the fourth spot at siya ang may pinakamataas na ranking among the Pinay celebrities.
Matatandaang last year ay si Andrea ang nanguna sa nasabing listahan, kung saan ay tinalo niya sina Nancy McDonnie ng K-pop group na MOMOLAND, Rose ng BlackPink, at iba pang international beauties.
This year ay si Rose naman ang number one na last year ay nasa 7th place.
Ang iba pang Pinay celebs na napasama sa 100 Most Beautiful Faces ay sina Alexa Ilacad (37th), Liza Soberano (40th), Hyacinth Callado (49th), Janine Gutierrez (57th), Gehlee Danca (66th), Kai Montinola (69th), Kim Chiu (82nd), Jasmine Helen Dudley-Scales (88th), at BINI Aiah (99th).
BILANG pasasalamat sa patuloy na pagmamahal at suporta ng Kapuso fans sa nagdaang taon, handog ng GMA Network ang isang makulay na selebrasyon para salubungin ang Bagong Taon sa Kapuso Countdown to 2026, isang star-studded thanksgiving celebration na magaganap ngayong Disyembre 31.
Gaganapin ang inaabangang event sa SM Mall of Asia (MOA) Seaside Boulevard, kung saan magsasama-sama ang ilan sa pinakamalalaking Kapuso stars para sa isang gabi ng saya, musika, at pasabog na performances. Mangunguna sa pagdiriwang sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Christian Bautista, Rocco Nacino, Betong Sumaya, Angel Guardian, Faith da Silva, at Kyline Alcantara.
Para sa mga manonood at fans ng Kapuso stars, maaari nang pumunta ng 6:00 PM para panoorin ang lantern parade na susundan ng pre-show mula sa international singer na si Bonnie Bailey, kasama ang GMA Music artists na sina Plume at Vilmark.
Mas paiinitin pa ang gabi ng mga paboritong former housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) na sina Will Ashley, AZ Martinez, Charlie Fleming, Vince Maristela, Marco Masa, Eliza Borromeo, Waynona Collings, at Lee Victor. Sila rin ang mangunguna sa kauna-unahang lantern parade, tampok ang makukulay na parol na hango sa mga kilalang programa ng GMA.
Rarampa rin sa entablado si Miss Grand International 2025 Emma Tiglao at mas pagniningningin ang gabi matapos ang kanyang pagkapanalo na isang back-to-back victory sa international stage.
Asahan din ang all-out dance performances mula sa Stars on the Floor Ultimate Dance Star Duo na sina Rodjun Cruz at Dasuri Choi, kasama ang celebrity at digital dance stars na sina Joshua Decena, JM Yrreverre, at Kitty at Kakai Almeda.
Hindi rin magpapahuli ang world-class musical performances mula sa powerhouse singers ng GMA na sina Jessica Villarubin, Hannah Precillas, Naya Ambi, Tala Gatchalian, John Rex, Jong Madaliday, Anthony Rosaldo, at Tanghalan ng Kampeon 2025 Grand Champion Bjorn Morta, na maghahandog ng pasabog na performance para sa live audience at sa mga nanonood mula sa kanilang tahanan. Hindi rin mawawala ang P-pop energy sa Kapuso Countdown stage dahil handa nang maghatid ng kilig ang grupong 1621.
Isa sa mga highlight ng gabi ay ang sorpresang handog ng SM Mall of Asia mula sa inaabangang fan-favorite K-pop group na AHOF. Susundan naman ito ng taunang countdown sa Bagong Taon kasama ang lahat ng Kapuso stars na present sa selebrasyon sa isang bonggang fireworks display na matutunghayan sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Isa rin sa mga aabangan ng live audience at home viewers ang pag-aanunsiyo ng mga mananalo sa kauna-unahang GMA Network.com Awards. Kabilang sa mga parangal ang New Kapuso Male and Female Star of the Year, Kapuso Male and Female Teen Star of the Year, Kapuso Couple and Love Team of the Year, Daytime and Primetime Drama Series of the Year, Kontrabida of the Year, at Comedian of the Year.
Damhin ang saya at diwa ng Pasko at Bagong Taon habang sabay-sabay na sinasalubong ng GMA Network at ng solid Kapuso fans ang 2026. Mapapanood ang Kapuso Countdown to 2026 sa December 31, 10:30 PM sa SM MOA Seaside Boulevard, Pasay City. Libre ang admission at magsisimula ang pagpapapasok ng live audience sa ganap na 6:00 PM.
Mapapanood din ito ng home viewers sa GMA-7, via Kapuso Live Stream, at sa ATM’s Office YouTube (YT) channel kasama sina Tim Yap, Sean Lucas, at Cheska Fausto, kasama ang iba pang special guests.








Comments