top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

TONI, 4 MONTHS PREGGY, TODO-TAGO MUNA PARA IWAS-STRESS

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 1, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 1, 2023




Pinag-uusapan ngayon ng mga Marites sa showbiz ang diumano'y pagbubuntis ni Toni Gonzaga.


Four months preggy na raw ang host-actress sa pangalawa nitong anak sa asawang director na si Paul Soriano. Pero, ayaw pa nilang kumpirmahin ang balitang ito sa publiko dahil ayaw daw muna ng mag-asawa na mapag-usapan ito ng mga tao.


Umiiwas daw muna ang host-actress sa stress lalo na at nasa first trimester pa lang ito sa kanyang pagbubuntis.


Uso naman ang mga ganyang drama sa mga artista na nasangkot na noon sa tsismis na buntis, pero super-deny muna at hindi agad-agad na umaamin sa kanilang tunay na kondisyon.


Tulad na lang ni Jessy Mendiola na matagal na nag-deny bago tuluyang umamin na preggy.


Anyway, karapatan naman ni Toni ang magkaroon ng privacy. Hangga't maaari, gusto sana nila ni Direk Paul na maging normal ang takbo ng kanilang buhay kahit na sila ay parehong mga public figures.


For sure, magbibigay din naman sila ng statement sa publiko kapag maayos na ang lahat.


At bago pa man pumasok ang taong 2023 ay maaalalang hinulaan na masusundan na ang panganay na anak nina Toni at Paul na si Seve.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page