top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

‘Tongpats collector’, ipahuli na agad-agad!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 7, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 07, 2021



LAGOT ANG MGA ISKALAWAG NA PARAK KAY GEN. ELEAZAR—Inaprub na ni P-Duterte ang rekomendasyon ni Sec. Eduardo Año ng Department of Interior and Local Government na si Police Gen. Guillermo Eleazar na ang maging next PNP chief kapalit ni Gen. Debold Sinas na magreretiro na bukas (May 8) sa serbisyo.


At dahil si Gen. Eleazar na ang PNP chief, lagot ang mga iskalawag na parak kasi sigurado, may paglalagyan sila sa bagong hepe ng Pambansang Pulisya, period!


◘◘◘


MGA ILEGALISTA AT ‘TONGPATS’ COLLECTOR, LULUGU-LUGO SA PAGKATALAGA KAY GEN. ELEAZAR BILANG PNP CHIEF—Noong NCRPO (National Capital Regional Police Office) director pa si Gen. Eleazar, nagtiklupan ang lahat ng mga ilegalista sa Metro Manila at walang nangahas na “tongpats” collector na gamitin ang NCRPO sa raket kasi alam nilang malilintikan sila.


Kaya ngayong nahirang na bilang PNP chief si Gen. Eleazar, tiyak lulugu-lugo ang mga ilegalista at “tongpats” collector, kasi alam nilang kabilang sila sa ipato-“tokhang” ng bagong hepe ng Pambansang Pulisya, boom!


◘◘◘


DAPAT IPAHULI NA NI GEN. DANAO ANG MGA ‘TONGPATS’ COLLECTOR SA METRO MANILA—Dapat ngayon pa lang ay ipahuli na ni NCRPO Director, Gen. Vicente Danao ang mga nagpapakilalang “tongpats” collector sa Metro Manila na sina alyas Madam Reyna, Cesar Pilosopo at Ad-Juan.


Ipahuli na niya agad ang tatlong manraraket na ‘yan kasi sa pag-upo ni Gen. Eleazar bilang PNP chief ay baka ang mga tauhan pa ng Office of the PNP chief ang maka-“tokhang” sa tatlong “tongpats” collector na ‘yan, boom!


◘◘◘


NAGPAPAKILALANG ‘NINONG’ NI ‘YORME’ ISKO, TAGILID SA BAGONG PNP CHIEF—Isa sa “untouchable” na gambling lord ngayon sa Maynila ay si alyas Boy Abang na ang raket nitong bookies ay pinamamahalaan ng “syota” niyang si alyas Lorna, at kaya siya “untouchable” ay dahil ang ipinagmamalaki nito ay inaanak daw niya si “Yorme” Isko Moreno.


Ngayong nahirang na bilang PNP chief si Gen. Eleazar, dapat itiklop na ni “Boy Abang” kanyang pa-bookies kasi kung hindi, tiyak may paglalagyan siya dahil walang anta-untouchable sa bagong PNP chief, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page