top of page
Pokwang.jpg

“Tongpats” collection tuloy pa rin sa CAMANAVA, tsk-tsk-tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 16, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 16, 2021



ROQUE, ANDAP KAY LACSON KAYA SI VP LENI LANG ANG TINARAYAN—Tinarayan na naman ni Presidential spokesman Harry Roque si Vice-Pres. Leni Robredo sa sinabi nitong parang extortion ang pahayag ni P-Duterte na dapat magbayad ang Amerika sa Pilipinas para sa VFA (Visiting Forces Agreement), dahil ayon kay Roque, hindi masamang maningil lalo na’t kailangan ng bansa ng pera para sa pandemyang COVID-19!


◘◘◘


HINDI LANG SA MALACAÑANG, PATI SA PNP MAY EXTORTION—Hindi lang Malacañang ang naiisyuhan ng pang-e-extort, maging ang Philippine National Police (PNP).


Ang mga nag-o-operate ng iba’t ibang uri ng illegal gambling sa bansa ay hinihingan daw ng payola ng isang alyas Berlin na nagpapakilalang tauhan ni PNP Chief Gen. Debold Sinas at sa Metro Manila, sina alyas “Madam Reyna”, “Cesar Pilosop” at “Ad-Juan” naman daw ang gumagamit sa pangalan ni NCRPO (National Capital Regional Police Office) Director, Gen. Vicente Danao para manghingi ng “tongpats” sa mga gambling lords.


Pambihira, imbes na paghuhulihin ang mga gambling lords, hinihingan pa ng kuwarta bilang protection money sa kanilang panraraket sa publiko, mga buwisit!


◘◘◘


NPD GEN. BONDOC GINAGAMIT NI “JAKE” SA TONGPATS COLLECTION—Kilala sina Gen. Sinas at Gen. Danao na hate nila ang mga scalawag at illegal gambling, kaya maraming nagtataka ngayon kung bakit walang aksiyon ang dalawang heneral laban sa mga tongpats collector at mga illegalista.


Sa kadedema nina Gen. Sinas at Gen. Danao sa mga tongpats collector at ilegalista, may sumulpot na isang alyas Jake na ang gamit naman ay pangalan ni newly-appointed NPD (Northern Police District) Director, Gen. Nelson Bondoc sa panghihingi ng payola bilang protection money sa raket ng mga gambling lords sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) area, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page