TOM, IBINAWAL NANG BANGGITIN ANG NAME NI CARLA SA IG NIYA
ni Nitz Miralles - @Bida | October 27, 2022

Kung hindi naghiwalay, first year sana nina Carla Abellana at Tom Rodriguez as a couple dahil ikinasal sila nu'ng Oct. 23, 2021.
Pero kahit divorced na, may mga bumati pa rin sa first wedding anniversary ng ex-couple. May mga nag-wish pang magkabalikan sila, although may tanggap naman ang nangyari sa TomCar.
Ang wish na lang nila, maging friends uli ang former couple.
Ang daming mga ganu'ng messages, kaya nakiusap na si Tom, “'Wag na po nating ibanggit ang name dito sa page ko. Thank you. We are no longer together and are moving onto own paths.”
Nagpasalamat din naman si Tom sa mga nag-wish ng healing sa kanila ni Carla at ni-remind pa ang aktor sa naging wedding vows nilang dalawa ni Carla na kanya ring sinagot.
“I really do appreciate your well wishes, but might I kindly ask if we can refrain from speaking about other on my IG page.”
May mga nalungkot sa magkasunod na posts na ito ni Tom, pero inirerespeto siya. Si Carla, walang bagong post, kaya walang bumati sa kanya ng wedding anniversary.
Pero, sa guesting nito sa The Boobay and Tekla Show, natanong ang aktres kung malaya ba talaga siya dahil ipinanganak siya ng June 12 na Independence Day?
Sagot ni Carla, “Aba, dapat malaya. Malaya tayo” at ang paliwanag, “Malaya, parang maganda na isipin mo ‘yung sarili mo, ‘di ba? Ipagtanggol mo ‘yung sarili mo, ipaglaban mo ‘yung sarili mo, ganu’n.”
Ang feeling ng mga viewers, hindi lang madiretso ni Carla na masaya siya na malaya na siya. Kaya TomCar fans, palayain n’yo na rin ang sarili n'yo sa pag-asang magkakabalikan ang dalawa. Isinara na nila ang chances na magkabalikan.





Comments