Tom, alam mo na?! CARLA, IPINAGSIGAWAN KUNG SINO ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON
ni Janiz Navida - @Showbiz Special | June 12, 2022

Nice to know naman na sa kabila ng personal na pinagdaraanan ngayon ni Carla Abellana dahil sa hiwalayan nila ng mister na si Tom Rodriguez, may ilang 'true' friends na nandiyan para pasayahin siya at damayan sa kanyang mga down moments.
Nabasa namin ang birthday greetings ni Carla para sa kanyang good friend na si Valeen Montenegro at nakakatuwa ang mga nai-share ni Carla tungkol sa aktres na hindi pa alam ng marami.
Kalakip ng picture ni Valeen na may nakasuksok na inhaler sa ilong, caption ni Carla sa kanyang nasabing IG post, "Before this day ends, I wanted to greet a special person close to my heart a HAPPY HAPPY HAPPY BIRTHDAY!
"Dear @valeentawak, I treasure you and your friendship and I am grateful for your kindness and energy. I’m sure you don’t know this but I love you, Val. You are my fellow Gemini but from the other far end of the twin spectrum. You are the Gemini twin that I am not but I seriously want to be.
"Grabe ka magpasaya at magpatawa ng mga taong nakapaligid sa 'yo. Hindi naman halata 'di ba? Pero sigurado akong wala namang magdududa diyan. Last year lang tayo naging close pero sobra-sobra na sumakit 'yung tiyan ko sa kakatawa dahil sa 'yo. 'Yung good for more than 1 year na.
"Thank you for always making things lighter, brighter, crazier and happier almost effortlessly. Happy Birthday, Valeen! We love you!"
Pahabol pa nito, "P.S. Lagi ko sinasabi na ikaw lang at best friend ko ang may kayang mapag-TikTok ako. Superpower kaya 'yun!
"P.P.S. I will most likely get into trouble for posting this photo and some of the videos (credit to the owners! Miss na miss ko na kayo!) pero bakit ba, nakaka-happy itong mga 'to, eh, kaya dapat lang i-share."
Oh, ha? Galing talaga ni Lord bumalanse ng buhay, 'di ba? Nawala man si Tom sa buhay ni Carla, nakatagpo naman siya ng mga friends na magpapasaya sa kanya.





Comments