top of page

Together again sa Paris… KC AT ALY, NAGKABALIKAN NA RAW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 28, 2025
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | Jan. 28, 2025



Photo: Aly Borromeo at KC Concepcion - Instagram


May rumor na nagkabalikan umano ang dating magkarelasyon na sina KC Concepcion at Aly Borromeo.


Katunayan, very visible raw na nakakasama sa mga family affair ni Aly ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.


Sabagay, noon pa namang may Paris Olympics ay nabalitaan na namin ito.

Sa Instagram (IG) kasi noon ni KC ay may nagkomento na narinig umano ng netizen ang boses ng atletang si Aly kaya nagtanong siya, “Boses ba ni Aly ‘yung nagsasalita?”


Dinedma lang ni KC ang tanong ng netizen, pero marami na ring nagtanong ng “Nagkabalikan na ba sila?”


Sa ngayon, walang ipino-post si KC about her love life dahil aktibo umano ito sa kanyang pagpapapayat.


Maaalalang noong 2018, nag-post si KC ng “If the stars choose to align us together again in the future, then why not? Who knows what will happen then?” sabi niya sa caption tungkol sa  breakup nila ni Aly noon.


Hmmm... Baka nga eto na ‘yung sinasabi ng mega daughter noon?



MAY sitsit na kumakalat na hiwalay na rin daw si Bangs Garcia at ang mister nitong Filipino-British na si Lloyd Birchmore, kung saan may dalawa na silang anak na babae - sina Amelia at Isabella.


Pinabulaanan ito ng aktres. Aniya, still strong pa rin ang kanilang pagsasama. Sampung taon na silang nagsasama (8 years married) at malapit na rin daw ang kanilang 3rd wedding para sa kanilang 9th wedding anniversary.


Ani ng Kapamilya actress, “It’s not a lack of love but a lack of friendship that makes unhappy marriages.”


Sinunod daw ni Bangs ang advice sa kanya na manatiling matatag para tumibay ang kanilang pagsasama.


“Never stop laughing with your partner, aspire towards comedy not drama,” wika pa niya.

Aniya, “I’m overjoyed to say we’re stronger than ever. We’ve learned to embrace each other’s differences with respect, compromise, trust, forgiveness and friendship.”


‘Yan daw ang susi ng kanilang pagmamahalan para manatiling matibay at matatag ang kanilang pagsasama.


Magmula nang mag-asawa ang aktres ay tumigil na rin siya sa pag-aartista, UK-based na sila ng buong pamilya.


Samantala, mukhang may hindi kumbinsidong netizens sa mga sinabi ni Bangs.

Pakiwari ng commenter, “Usually ‘yung mga mapang-flex na couple na ganyan, ‘yan ‘yung mga may issue, eh, LOL (laugh out loud).”


Sagot ng isa, “Korek! May gusto silang i-refute that their marriage is on the rocks.”

Dagdag ng isang netizen, “Bibilangan ko ‘to... 1- 2 years.”



MAY post si Ruffa Gutierrez ng larawan niya sa kanyang Instagram (IG) account.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Yilmaz Bektas ang napakagandang larawan ng dating asawa. Agad itong nagkomento ng ‘elegant’.


Agad namang sumagot ang former beauty queen-turned actress.


Aniya, “@yilmazbktas çok merci! Btw (by the way) pls (please) call Venice,” na kanilang youngest daughter.


Agad ding nag-reply ang Turkish tycoon kung saan tinawag siya nitong boss. 

“@iloveruffag Okay, boss. I will.”


Tinapatan naman ito ng simpleng emoji ni Ruffa na nagpapakita ng kanilang magaan na palitan ng salita, “@yilmazbktas (laughing emoji).”


Kinaaliwan ng mga netizens ang convo ng dating mag-asawa.


“Nakakatuwang makita ang respeto at pagiging civil nina Ruffa at Yilmaz lalo na para sa kanilang mga anak.”


“Ang saya lang! Parang nagbibiruan lang ang magkaibigan,” sabi naman ng isang netizen.


May ilan ding nagbigay ng papuri sa pagiging mabuting magulang ng dalawa. Tunay ngang kahit na may pinagdaanang pagsubok, nananatili ang magandang komunikasyon nina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas para sa kapakanan ng kanilang pamilya. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page