Todo-tutol noon sa mga ex ng aktres… BISTEK, GUSTUNG-GUSTO NI ANNABELLE PARA KAY RUFFA
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 05, 2022

“Walang ganap!” ito ang sabi ni Ruffa Gutierrez nang matanong tungkol sa kanyang special someone sa Magandang Buhay guesting niya last Thursday.
Bagama’t hindi tinukoy kung sino ba ang special someone ni Ruffa, obvious naman sa conversation nila na si Herbert Bautista ito.
Sey ni Regine Velasquez, “Wait, hulaan ko, ‘yan ba ‘yung nakasama ko noong araw sa pelikula? Tumatakbo yata ulit ngayon, ano?”
Sagot ni Ruffa, “Tumatakbo sa Luneta!” Pero binawi rin niya, “Huy, pero mali, hindi pala sa Luneta, nationwide pala.”
As we all know ay tumatakbong senador si Bistek ngayong 2022 elections.
Then, she said, “To answer your question, walang ganap! Kasi kung saan-saan umiikot!”
Busy daw kasi ang kanyang special someone ngayon. Dagdag pa niya, “I think, ang masasabi ko now, parang platonic siya. Para siyang mentor ko, ganu’n.”
Tanong ni Regine, “Gusto mo ba na medyo higitan pa ‘yung friendship?”
Sagot ni Ruffa, “I think, at this point, hindi pa muna, wala pa kami ru’n. It’s more like he’s busy achieving his goals, I’m busy achieving mine. And one day, kung magtutugma ‘yun, why not, ‘di ba?”
Inamin din ni Ruffa na bet na bet ito ng mommy niyang si Annabelle Rama.
“Gustung-gusto ni Mommy kasi silang dalawa, parang magkakampi, nasa bahay lang ako, nag-aaral, hindi ako naglalakwatsa.”
Ayon pa kay Ruffa, matagal-tagal na rin siyang hindi nag-e-entertain ng Pinoy men. As we all know ay foreigner ang kanyang last boyfriend.





Comments