top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Todo-tulong daw sa iba, wa' sustento sa mga anak…PAOLO, TINAWAG NA B*BO ANG MGA BASHERS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 9, 2023
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | July 9, 2023



Nagsalita na si Paolo Contis hinggil sa mga pamba-bash sa kanya mula nang maging host siya ng Eat… Bulaga! kaugnay ng 'di raw niya pagsusustento sa mga anak kina Lian Paz at LJ Reyes.


Sa galit siguro ng aktor-TV host, nakapagsalita tuloy ito ng "bobo".


Aniya, wala naman siyang pinatatamaan sa nasabi, subalit hiling niyang sana'y maunawaan ng publiko na pera ng produksiyon at 'di niya sariling pera ang ibinabahagi niya sa programa para siya ang i-bash nang i-bash at sumbatang buti pa sa ibang tao ay nakapagbibigay siya ng datung, pero sa mga sariling anak ay dedma lang siya.


Sa panayam ni Ogie Diaz kay Paolo sa kanyang YouTube Channel, nasabi ng host-komedyante na pinipigilan lamang siya ni Paolo na magsalita at magkomento bilang malapit na kaibigan ng aktor.


Kaya naman mismong si Paolo na ang nagsalita tungkol dito, "'Yung nagbibigay ng papremyo, hindi ko naman pera 'yun, eh, pera ng production 'yun. Tawang-tawa ako sa konsepto na 'yun.


Ang daming naniniwala na 'O, kung makapagbigay ka ng papremyo...' Akin? Pera ko? Budget ng show 'yun, eh," pagdidiin ni Paolo.


"Alam mo, ang pangit ng sasabihin ko, maaano (magiging issue) na naman 'to, pero 'pag makikita mo... b*bo!" may diin nang dagdag pa niya.


Nilinaw naman ni Paolo na wala siyang partikular na pinatutungkulan sa nasabing pahayag.


"Wala po akong pinatatamaan ah, pero I hope you get the point."


Ayaw tantanan si Paolo ng mga bashers dahil inamin nga niyang hindi siya nagbibigay ng sustento sa tatlo niyang anak — dalawa kay Lian at isa kay LJ.


Paliwanag naman ni Paolo ay naka-save sa bangko ang dapat na sustento niya sa mga anak.


Nakapangalan daw ito sa mga bagets.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page