ni Nitz Miralles @Bida | January 27, 2023
Ang bilis ng mga netizens, napresyuhan agad ang ipinost ni Heart Evangelista sa Instagram na Maison Alaia designer shoes.
Two pairs ang designer shoes na ipinost ni Heart at ang isa ay worth P82,748, ang isa naman ay worth P53,162, kaya ang dalawang designer shoes ay worth P135,910 based sa current exchange rate.
Hindi lang ‘yun ang expensive shoes ni Heart at kung tambay kayo sa kanyang IG, malalaman ninyo na puro mamahalin ang kanyang mga gamit mula sa damit, shoes, jewelry at lalo na ang bags. Nabasa namin na may worth P3M siyang bag.
Anyway, tapos na yata ang Paris Fashion Week at isa sa mga inirampa ni Heart ay ang golden Filipiniana dress designed by Cheetah Rivera. Para lang maitaas ang Philippine pride, tiniis ni Heart ang 3 degree celsius na klima sa Paris that time maisuot at maipakita lang ang Filipiniana dress.
Sa video, makikita ngang muling pinagkaguluhan si Heart ng mga photographers nang siya ay rumampa suot ang golden Filipiniana dress.