Todo-thank you sa mga supporters… VIDEO MESSAGE NI MAINE, IPINALABAS SA CAMPAIGN NI ARJO

ni Nitz Miralles - @Bida | March 26, 2022

Ang video ni Maine Mendoza na ipinalabas sa kampanya ng boyfriend na si Arjo Atayde na tumatakbong congressman sa 1st District ng Quezon City na yata ang magiging rason para maniwala ang ibang AlDub fans na sina Arjo at Maine ang may relasyon at hindi sina Maine at Alden Richards.
Nabasa namin ang reaction ng ilang AlDub fans sa video ni Maine at may nag-comment na it’s time to move on na sa paghihintay na aminin na nina Alden at Maine ang diumano’y itinatago nilang relasyon. May nag-comment naman na hayaan na si Maine kung saan siya masaya.
Napanood namin ang video, hindi direktang ikinampanya ni Maine si Arjo at in-address sa mga kababaihan ang kanyang mensahe.
Pinasalamatan nito ang mga sumusuporta sa kandidatura ni Arjo na ang tawag niya ay “lodi Arjo.”
Sa interview kay Arjo, nabanggit na ayaw niyang isama o ihalo muna si Maine sa tinawag niyang “gerang ito.” Gusto raw niyang iboto siya ng tao hindi dahil kay Maine, kundi dahil sa kanya at sa magagawa niya sa District 1.





Comments