Todo-thank you na pinayagan ng bagong partner ng ex… PAOLO, NAKA-BONDING ANG 2 ANAK KAY LIAN
- BULGAR

- Aug 8
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 8, 2025
Photo: Paolo Contis - IG
Inulan ng positive comments ang Instagram (IG) page ni Paolo Contis matapos niyang i-post ang reunion niya with Xalene at Xonia na mga anak niya sa dating partner na si Lian Paz.
Makikita sa mga larawan na ipinost ng aktor na nakasama rin niya si Lian at current partner nito na si John Cabahug.
Sa caption ni Paolo ay abut-abot ang pasasalamat niya kina Lian at John sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na makasama ang dalawang anak.
“Happy Birthday John! @johncabahug87. I want to take this opportunity to thank you for allowing Lian and my kids nu’ng araw na ‘to. Oo, hinintay ko talaga ang birthday mo to publicly express my gratitude to you,” ang mensahe ni Paolo kay John.
Kasunod nito ay ang pagpapasalamat ng aktor kay Lian for making the reunion possible at sa pagiging isang mabuting ina sa kanilang mga anak.
“@liankatrina, you have always been kind and forgiving. This is why hindi kayo pinabayaan ni Lord. I appreciate all your efforts in talking to John about that day. Thank you for being strong and for how you nurtured the kids to have beautiful hearts,” aniya.
Sinabi rin ni Paolo na hindi na raw niya sasayangin ang pagkakataong ito na ibinigay sa kanya at nangakong parati nang makikipag-communicate sa mga anak.
“John, I cannot thank you enough for this chance. I promise to have constant communication sa inyong lahat. I will not waste this chance. Thank you for taking care of the kids. Please know that I am always here para sa inyong lahat,” sey ng aktor.
“To more precious days like this (smiling and praying emoji). Happy Birthday, John! Thank you for the friendship!” pagtatapos pa niya.
Kung dati ay parating bina-bash si Paolo sa kanyang mga posts, this time ay katakut-takot na papuri ang kanyang natanggap hindi lang mula sa mga netizens kundi maging sa mga kapwa-artista.
Ang dami ring na-touch sa masayang reunion ng mag-aama kasama sina Lian at John at wish nila ay maging simula na ito ng maayos na blended family sa kanila.
“Ako rin, naiiyak sa kanilang tatlo… Truly that time heals all wounds. Panalo dito ang mga anak nila. All 3 parents are beautiful souls. God bless them all,” komento ng isang netizen.
MAY bagong streaming service na tiyak na kagigiliwan na naman ng mahihilig manood ng pelikula at mga digital shows/contents. Ito ang Fun Unlimited or F.U.
Ang F.U ay isang bagong Filipino streaming service na nag-aalok ng malawak na hanay ng local at international content, kabilang na ang mga Filipino and foreign movies at mga serye.
It is a great option for those looking for streaming service that offers not only traditional programming. F.U is a blend of comedy, action, true-to-life dramas and titillating sexy but classy, never trashy features.
Ang F.U ay edutainment at naglalayong i-educate ang manonood with content featuring sensitive matters kabilang na ang mga sex-related issues.
Sasagutin din nila ang mga maseselang tanong na gusto mong pag-usapan pero nakakahiyang itanong.
Sa mga foreign movies, kabilang sa line-up ng mga unang mapapanood ang Survive, Rebound, Redcon-1, Shadow of God, Alone, Champion, The Wrath, The Crusifix, Instant Death at Uranus.
Mapapanood din ang helpful advice and comedy stunts from the one and only pinakamasungit na tindera sa social media Bernie Batin with Lola AI, gayundin ang painful and untold truth behind the world of pene movies from Ms. Myra Manibog.
Join din si Mr. FU sa kanyang bagong show about the most controversial issues in the past na Files Unlocked.
F.U is powered by Maralabs, coming your way this August 8.










Comments