Ex ni Gov. Vi, insecure raw… EDU, INI-REPOST ANG BALITANG SABIT SA PLUNDER SI SEC. RALPH
- BULGAR
- 9 minutes ago
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 7, 2025

Photo: File / FB Ralph Recto
Ikinagulat at ikinalungkot ng maraming netizens-fans ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto ang latest issue ngayon sa pagitan ng kanyang ex-husband at ama ni Luis Manzano na si Edu Manzano at mister ni Ate Vi na si Finance Secretary Ralph Recto.
Ini-repost kasi ni Edu sa kanyang Facebook account ang isang balitang lumabas na may titulong: “Carpio: Recto may be held for plunder over P167-B fund transfer.”
Nabigyan ito ng malisya dahil of all people, si Edu pa nga naman na ex-husband ni Ate Vi ang nag-repost ng balita. Kaya maraming fans-netizens ang nagtatanong kung may galit ba ang tatay ni Luis sa bagong mister ni Ate Vi?
Ang alam kasi ng marami ay okay ang kanilang blended family relationship at napatunayan naman ito sa mga nakaraang special occasions kung saan makikitang magkakasama sila sa mga photos na lumabas.
Well, hiningi namin ang reaksiyon ni Luis kung totoo bang ang Daddy Edu niya ang nag-repost ng balita.
Siya nga naman ang naiipit sa isyu at ngayon ay may mga namba-bash na rin sa kanyang ama na ‘insecure’ raw ito sa bagong mister ni Ate Vi.
May ipinasa sa amin si Luis na link ng interview kay former Justice Antonio Carpio kung saan binabawi niya ang statement na nagdadawit kay Sec. Ralph sa insertion ng provision kaugnay ng flood control scam at sa halip ay nilinaw niyang si Cong. Joey Salceda ang nag-initiate ng insertion sa House of Representatives.
Hindi na nagbigay ng komento si Luis at sa halip, ang sagot lang nito sa amin, “This explains everything.”
Kaya naman, ang inaabangan ngayon ng mga Vilmanians ay kung babawiin din ba o buburahin ni Edu ang ini-repost niyang balita tungkol kay Sec. Ralph.
MARAMING nagulat pero humanga sa paninindigan ni Rocco Nacino nang sabihin niya sa grand mediacon ng Bar Boys 2: After School na isa sa official entries sa MMFF 2025 na pabor siya sa death penalty.
Nang tanungin namin kay Rocco kung bakit nasabi niya ito, nangingiti niyang sagot, “Well, do we have already the solutions to better our system? I think we should be scared of a higher punishment to just keep us in place, especially the ones in power. Like I said, it’s the system where the powerful are protected kaya we need something na to stop us from even being tempted to do something and knowing that they can get away with and having that death penalty, same you know other countries that have it, you can see that it’s taking effect.”
So, kahit masasabing desperate move na raw ito, bakit hindi natin i-try para magkaroon nga raw ng takot ang mga gumagawa ng krimen sa bansa.
At sa tanong kung ano para sa kanya ang mga krimeng deserve ng death penalty, sagot ni Rocco, “Well, if I can be the one to decide, sa plunder and ano, these are worthy punishments for those who are may kapal ng mukha to steal money that does not theirs, ‘di ba?”
Oh, ‘di ba, hindi pa abogado si Rocco nang lagay na ‘yan tulad ng role niya sa Bar Boys 2: After School, pero ramdam mo na ang pagmamalasakit niya sa kaban ng bayan para sa kapakanan ng mamamayan.
Isa ang BB2AS sa mga official entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 at sequel ng 2017 film na Bar Boys (BB).
Ang kuwento ay tungkol sa apat na magkakaibigan sa law school at pagkalipas ng 10 taon, ay nagkaroon ng reunion para malaman kung ano na ang mga nangyari sa buhay nila.
May mga bagong karakter at bagong batch ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong Law tulad nina Will Ashley, Sassa Gurl, Therese Malvar, at Kean, dahil hindi pumasa ang huli sa law school at naging artista.
Kasama sa bagong cast sina Glaiza de Castro, Emilio Daez, Bryce Eusebio, Klarisse de Guzman, at Benedix Ramos.
Siyempre, pasok pa rin ang mga original BB cast na sina Rocco Nacino, Enzo Pineda, Carlo Aquino, Kean Cipriano, at si Odette Khan.
Ito ay mula sa script nina Direk Kip Oebanda, Carlo Catu, at Zig Dulay na produced ng 901 Studios na binubuo nina Jon Galvez, Leo Liban, at Carlos Ortiz.




