Todo-thank you na nai-guest sa show… KAREN AT KORINA, 22 YRS. BAGO NAG-FACE-TO-FACE
- BULGAR
- Oct 31, 2022
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 31, 2022

Sa unang pagkakataon, nag-face-to-face sina Korina Sanchez at Karen Davila.
Parehong kilala sa larangan ng broadcasting ang dalawa mula sa ABS-CBN. Pero sa dekadang itinagal nila sa industriya ay never silang nagkasama sa news program.
At pagkatapos nga ng 22 yrs., nangyari na ang masayang interview ni Korina sa mismong bahay ni Karen. Doon nasabi ni Karen ang impresyon niya kay Korina nang makasama na niya ito sa ABS-CBN.
Harapang inamin ni Karen na natakot siya sa kapwa batikang broadcaster-journalist. Ito raw ang dahilan kung bakit hindi niya basta nakakausap ang Rated K host.
Tahasan niyang sinabi, "Masyado kang nakakatakot noon. So, hindi kita makausap.
Nakakatakot po talaga siya noon, ah. 'Wag i-deny at 'wag i-cut," kaya pareho silang natawa.
Mapapansin din ang makulit at masaya nilang kuwentuhan at palitan ng katanungan.
"'Di ba show ko 'to? Bakit ako ang tinatanong?" ani Korina.
Samantala, sa kanyang IG, labis ang pasasalamat ni Karen kay Korina sa masayang panayam na ito.
"AND… THIS HAPPENED after my 22 years in ABS-CBN, the iconic Korina Sanchez and I sit down for a one-on-one interview for the FIRST TIME - and it was non-stop laughter.
"Thank you @korina for having me! I treasure this experience and had such a wonderful afternoon with you! I had so much fun!!! Grateful! ALL IN GOD’s GOOD TIME."





Comments