top of page
Pokwang.jpg

Todo-tanggol sa panganay ni Ipe kay Kris… MARK, IPINAGSIGAWANG MAHAL SI JOSHUA NA PARANG TUNAY NA ANAK

Writer: BULGAR
BULGAR
3 days ago
3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | October 16, 2026



BIDA - MARK LEVISTE, IPINAGSIGAWANG MAHAL SI JOSHUA NA PARANG TUNAY NA ANAK_FB Mark Leviste

Photo: FB Mark Leviste



Pati si Mark Leviste ay nasaktan para kay Joshua Aquino dahil sa pangungutya ng mga hosts ng Machong Chismisan.


Aniya, “Machong Chismisan, you crossed the line.


“I stand by Kuya Josh, not just because he’s a close friend, but because I know the person he is beyond what people say about him. Nakakalungkot at nakakadismaya na may mga taong ginagawang katatawanan ang kapansanan ng iba para lang sa content.


“Ang pagkakaroon ng platform ay may kaakibat na responsibilidad, at ‘di dapat isinasakripisyo ang dignidad ng isang tao para sa views, likes, o tawanan. ‘Di lahat ng puwedeng gawing biro ay dapat pagtawanan, lalo na kung ang kapansanan ng kapwa ang ginagawang punchline.


“Kuya Josh is a bundle of joy and a blessing to everyone who knows him. Sa mga taong tunay na nakakakilala sa kanya, alam namin kung gaano s’ya kabuti at kung gaano karaming tao ang napapasaya n’ya sa simpleng paraan.


“Madasalin, mabait, mahal ang ating bansa, at marami pang iba — ‘yan si Kuya Josh. Walang taong perpekto, pero walang sinuman ang dapat maliitin dahil lamang sa kanyang kapansanan. Kuya, ‘di ka nag-iisa. Nandito kami para sa ‘yo, always.”


Second post na ito ni Mark. May nauna na siyang post at doon, sinabi nitong: “I love him like my own son, and my children love him like their own older brother. He is one of the kindest, sweetest, most prayerful, and loving people you will ever meet. Sinuman ang tunay na nakakakilala sa kanya ay mauunawaan kung bakit labis na nakasasakit sa aming mga nagmamahal sa kanya ang mga binitiwang salita tungkol sa kanya.


“Ipagtatanggol ko si Kuya Josh, gaya ng pagtatanggol ko sa sarili kong mga anak! ‘Di ako mananahimik ‘pag ang isang taong mahal ko ay tinatrato ng ganito!”


Para sa mga ‘di nakakaalam, ex-BF ni Kris Aquino si Mark Leviste at ‘di man sila nagkatuluyan, mahal ni Mark si Joshua na anak kay Kris ni Phillip Salvador at si Bimby na si James Yap naman ang tatay.





Ang daming nag-agree sa paalala ni Dingdong Dantes na kahit walang tinukoy na partikular na tao o mga tao, alam mong para sa limang hosts ng Machong Chismisan ang pinatutungkulan.


Sey ni Dong, “Ang mikropono at entablado ay may kaakibat na pananagutan. ‘Di aliw ang panghahamak. Tungkulin nating itaas ang pamantayan, ‘di lang ang volume.”

Ang daming tinamaan sa post na ito ng aktor, lalo na ‘yung may mga podcast, vloggers at influencers.


Sana nga, maging aral ito sa kanila na maghinay-hinay sa mga susunod nilang content.


Baka ma-terminate ang kontrata sa kanilang mga podcast, ma-cancel sila at heto, may demanda na nakaabang.





Anak ni Kris, after laitin at pagtawanan…

MACHONG CHISMISAN PODCAST, TERMINATED NA ANG KONTRATA



Sunud-sunod ang backlash sa limang hosts ng Machong Chismisan dahil sa ginawa nilang panlalait kay Joshua Aquino na sinabihan nilang “walang kuwenta” at “nakatunganga lang” bilang anak ni Kris Aquino. 


Dahil dito, in-announce ng The Pod Network ang pagte-terminate nila sa kontrata ng podcast.


Pahayag nila, “We have formally terminated our contract with the Machong Chismisan podcast, and are consequently removing the show from the network, effective immediately.”


Deleted na rin ang TikTok (TT) at Instagram (IG) accounts ng Machong Chismisan. Naalarma na yata ang mga hosts sa walang tigil na feedback at reaction, at sa galit ng mga netizens sa kanila.


Umaksiyon na rin si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag. Nag-text ito kay Boy Abunda para ipaalam na “Appropriate charges will be filed against the hosts of Machong Chismisan” dahil sa pangungutya nila kay Josh.


Ang inaabangan ng mga netizens ay ang hakbang na gagawin ni Kris Aquino to protect her eldest. Maghintay lang ang limang hosts.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page