top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Todo-tanggol sa BF nang banatan ni Kris…NETIZENS KAY RUFFA:DESPERADA,'DI NAMAN INAAMING GF NI BISTEK

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 26, 2022
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 26, 2022




May kani-kanyang opinyon ang mga netizens matapos ipagtanggol ni Ruffa Gutierrez ang boyfriend ngayong si Senatoriable Herbert Bautista laban sa patutsada ni Kris Aquino na 'wag iboto ang kanyang 'ex' dahil hindi marunong tumupad sa pangako.


Sa Instagram post ni Ruffa kung saan mukhang nagre-relax siya sa isang beach, caption niya, "Good morning people. Be kind to everyone, including your ex."


Ayon sa mga netizens, patutsada 'yun ng former beauty queen kay Kris Aquino.


Natawa naman ang ibang commenters.


"Hahaha! Naku, Ms. Ruffa, hayaan mo, mai-stress ka lang du'n sa isa! 2014 pa 'yung kanya, 'di pa siya over!"


"Ayan na.... Parinigan na. Lol...!"


May nagpayo naman kay Kris na mag-focus na lang sa kanyang kalusugan kesa banatan pa si Bistek.


"Focus on your health, Kris, and you were there para suportahan si Leni, hindi para magparinig sa ex mo."


Sabi naman ng isa kay Ruffa, "Oh, please Ruffa G., makapagtanggol ka naman ng jowa, wagas!!!"


May ilang bitter naman na nagsasabing kahit ipinagtanggol ni Ruffa si Bistek, hindi rin sila magkakatuluyan.


"Don't worry, Ruffa, sure ako 'di kayo magtatagal ni Herbert."


"Dapat 'di na siya sumasagot, wala siyang pakialam na sa past nu'ng 2. Kuwento nila 'yun, hindi naman siya kasali."


"I feel sorry for both of them tho - Kris, not being able to move on & Ruffa, na parang siya 'yung patay na patay kay Herbert. Meanwhile, chill lang si lalaki, basking in all the free publicity he is getting. Ano kaya'ng meron kay Herbert, no? In both relationships, 'yung mga babae ang parang patay na patay and not even an admission of relationship from him."


"Both desperadas. Pero mas si Ruffa. Siya ang current pero 'di man lang maipagsigawan ni lalaki. Naniwala talaga siyang walang alam si Herbert du'n sa eme-emeng Twitter post nu'ng na-engaged si Kris kay Mel? Admin talaga pinagalitan?"


"Naku, Ruffa, tutal, parehas kayo ni Kris na single mom, two girls sa 'yo, two boys sa kanya, ohh, alam mo na 'di ba? Swak na swak."


Isang netizen naman ang nagtanong, "Ang tanong, umamin na ba si Herbert na kayo na? Baka ending niyan, i-deny ka rin."

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page